Paradise Hill Farm & resto
Farm to table...
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang farm to table concept na Paradise Hill Farm and Restaurant sa San Jose del Monte Bulacan na pag-aari ni Mr. Rafael Bengson.
Si Mr. Bengson ay super senior na ang edad ay 77 pero napaka-energetic dahil nagagawa pa nitong magtanim at libutin ang kanyang 1.5 hectar na Paradise Hill Farm tatlong beses sa loob ng isang linggo.
Namana ng misis ni Mr. Bengson ang nasabing lupa at dinebelop nito at tinatiman ng iba’t ibang uri ng halaman, prutas, gulay na majority ng tanim at fanfare variety ng lettuce.
Napakaganda ng location ng farm ni Mr. Bengson na tamang-tama ang kanyang pangalan dahil mistulang nasa paraiso ka kapag ikaw ay napunta sa nasabing farm.
Malapit at unang dadatnan ang Paradise Hill Farm kung kayo ay pupunta sa groto ni Padre Pio sa San Jose del Monte City, Bulacan na dinarayo ng maraming deboto lalo na tuwing sasapit ang mahal na araw.
Dahil sa ganda ng location ng Paradise Hill Farm ay nagtayo si Mr. Benson ng Restaurant na kanyang tinawag na Samgyupsalan sa Farm na ngayon ay dinarayo ng marami dahil accredited ito bilang farm tourism sa Bulacan.
Maraming mga estudyante at mga plant enthusiasm ang naglalakbay aral sa Paradise Hill Farm.
Kakaiba ang lasa, masarap at masustansiya ang Samgyupsal sa Paradise Hill Farm dahil sa loob mismo ng farm pipitasin ang inyong kakainin.
Maaari rin kayong mag-pick and pay ng lettuce, papaya at iba pang tanim sa Paradise Hill Farm.
Soil base o conventional farming at natural ang pamamaraan ng pagtatanim sa Paradise Hill Farm.
Sa mga gustong mamasyal at kumain sa Samgyupsalan sa Paradise Hill Farm ni Mr. Bengson ay magandang magpa-book na muna kayo sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang number na 0917-327-23-66 at 0922-934-63-27 at hanapin si Joy Naval.
Tiyak na mag-e-enjoy kayo, mare-relax sa kanilang mga nipa hut na nasa mismong mga puno at mabubusog kayo kapag nakarating kayo sa Paradise Hill Farm.
Sa pagbisita ng Masaganang Buhay team sa Farm ni Mr. Bengson ay aking tinanong kung ano ang kanyang sikreto bakit sa kanyang edad na 77 ay napakalakas pa niya ay nagagawa pang magtanim at libutin ang kanyang farm.
Ang kanyang mabilis na sagot ay “Clean leaving at eat more lettuce.”
Iniimbitahan ni Mr. Rafael Bengson ang lahat, lalo na ang mga kapwa nito senior citizens sa buong bansa, mga profesional, kabataan at magulang na magtanim tulad ng kanilang ginagawang pagtatanim.
Ngayong Linggo, November 3, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Mr. Rafael Bengson sa kanyang farm sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag ah, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest