^

PSN Opinyon

Hernia, pinangunahan ang weight loss program ng NCRPO!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

“Sound mind and sound body!” Ito ang binigyan diin ni NCRPO director Maj. Gen. Sidney Hernia sa kanyang mga tauhan sa isinagawa n’yang “Talk to Men,” kung saan ­inilunsad niya ang programang “Top 10 Biggest Weight Loser” challenge.

Ipinaliwanag ni Hernia sa nagtitipon niyang tauhan sa NCRPO Grandstand sa Camp Bagong Diwa, Taguig City  ang kahalagahan ng magandang kalusugan sa pagpairal nila ng batas. Ang fitness competition, mga kosa, ay gagawing monthly para mamonitor ang kalusugan ng 23,000 NCRPO rank-and-file.

Sa records ng Regional Medical and Dental Unit, may dalawang pulis sa NCRPO ang nadedo mula Enero hanggang Oktubre 2024 dahil sa cardiac arrest kaya kumilos si Hernia para mapigilan ang naturang kaso sa kanilang hanay.  Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ayon kay Hernia, handa s’yang magbigay ng kaukulang reward sa mga personnel na makapagtala nang malaking pagbagsak ng timbang at pagbuti ng kalusugan. Aniya, hindi lang ang nakatipong tauhan n’ya ang dapat sumali dito kundi ang kabuuang personnel ng NCRPO. Get’s n’yo mga kosa kong pulis sa Metro Manila?

“All personnel should be encouraged to participate. This event was designed to underscore the importance of fitness and well-being among NCRPO personnel,,” ani Hernia habang binigyan diin nito na ang kalusugan ay mahalagang yaman sa demand ng trahabo nila bilang law enforcer. Mismooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Para seryosohin ng kanyang tauhan ang kanyang health at wellness program, maging si Hernia ay sumali sa weight loss competition. Ayon kay NCRPO chief, maraming puntos na makukuha ang mga tauhan niya sa kanyang programa na binibigyang importansiya ang kalusugan.

Malaking bagay umano na fit ang mga pulis  at maganda ang kanilang pag-iisip sa pagpatupad ng kanilang mga tungkulin. ‘Ika nga hindi sila makapag-isip ng masama o magi­ging mainit ang ulo na hindi maganda ang patutunguhan ang kanilang mga desisyon.

“With your fitness, you’re helping the organization,” ani Hernia. Kung sabagay, kapag high blood ang pulis sa pagpatupad ng batas, kalimitan kaso pa ang aabutin nila, lalo na kapag nakipagtalo o nakipagsagutan pa sila sa mga kausap, di na mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Dapat isipin ng kanyang tauhan, ani Hernia, ang long-term benefits ng weight loss program, hindi lang para sa kanilang sarili, kundi maging sa kanilang pamilya at komunidad.

At higit sa lahat, magiging madali ang pag-handle nila ng demands ng kanilang profession dahil naka-focus ang enerhiya nila sa trabaho at klaro ang kanilang pag-iisip. Dipugaaa! Ang “sound mind at sound body” ng mga pulis ay essential upang matagumpay silang pagpatupad ng police work, ani Hernia. Tumpak!

Sa kasalukuyan, 2,167 NCRPO personnel na may edad na 40 and above ang naka-enroll sa Enhanced Monitoring of Police Overall Wellness (EMPOW) upang maiwasan ang hypertension. Sa NCRPO, ang kapakanan ng mga pulis ang nasa isipan ni Hernia. Mismooo! Abangan!

NCRPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with