OFW: Kung maputi na ang kanilang buhok
Marami ring mga overseas Filipino worker ang tumanda na sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Magkakaiba ang kanilang mga sitwasyon. Meron sa kanila na kahit senior citizen na ay hinahayaan pa ring magtrabaho ng pinagtatrabahuhan nilang employer hangga’t gusto nila at kaya pa ng kanilang isip at katawan o depende sa mga sitwasyon nila sa ibang bansa. May mga OFW na naging citizen na ng kinaroroonan nilang bansa at doon na nagpasyang mamalagi kasama ng kanilang pamilya. Ma-saya ang kuwento ng mga OFW Marami ring mga overseas Filipino worker ang tumanda na sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Magkakaiba ang kanilang mga sitwasyon. Meron sa kanila na kahit senior citizen na ay hinahayaan pa ring magtrabaho ng pinagtatrabahuhan nilang employer hangga’t gusto nila at kaya pa ng kanilang isip at katawan o depende sa mga sitwasyon nila sa ibang bansa. May mga OFW na naging citizen na ng kinaroroonan nilang bansa at doon na nagpasyang mamalagi kasama ng kanilang pamilya. Ma-saya ang kuwento ng mga OFW na nakaipon nang malaki o meron nang mga naipundar na bahay at lupa o negosyo o napagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak sa haba ng panahong pamamalagi nila sa ibayong dagat, pero nakakadurog ng puso ang kalagayan ng mga OFW na wala man lang naipon hanggang sa kanilang pagtanda at pagreretiro sa trabaho at pagbalik sa Pilipinas. May mga kaso ng ilang OFW na naglaho ang lahat ng kanilang pinaghirapan sa ibang bansa sa iba’t ibang kadahilanan na maaaring hindi nila nakontrol o inasahan o napaghandaan kaya balik sila sa dating hirap pag-uwi nila sa bansa. Ang iba, nabigo nang makahanap ng tra-baho pagbalik nila sa Pilipinas dahil sa kanilang matanda nang edad. Meron namang mga nagkakasakit sa kanilang pagtanda na dahilan para mapilitan silang umalis sa kinalalagyan nilang bansa at bumalik dito sa atin.
Hindi naman kasi panghabambuhay ang pagiging OFW. Matatapos din ang kanilang kontrata sa trabaho at darating ang panahong kailangan na nilang lisanin ang dayuhang bansan na matagal nilang naging pangalawang tahanan. Meron sa kanila na inabutan na roon ng pagtanda kaya mahirap maisip kung paano na ang magiging buhay nila sa Pilipinas pagbalik nila rito na panahong wala na silang kakayahang magtrabaho o kung meron pang tatanggap sa kanila sa trabaho sa kabila ng kanilang matandang edad.
Kaugnay nito, kasalukuyang niluluto ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng ibang ahensiya ng pamahalaan pati na ng House of Representatives at Senate ang mga programang kakalinga sa mga matatandang OFW.
Sa isang ulat kamakailan ng Philippine News Agency, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa isang panayam ng Radyo Pilipinas na dapat paghandaan ng pamahalaan ang mga matatandang OFW na dumayo sa ibang bansa may dalawang dekada na ang nakakaraan kapag bumalik na sila sa Pilipinas.
“Kailangan nating paghandaan ‘yan. Kasi sila’y uuwi, of course, mainam na meron silang naimpok, meron silang plano sa pag-uwi, kasabay nito, sa tagal ng serbisyo nila sa kanilang mga pamilya, sa kanilang mga komunidad at sa ating bansa bilang mga OFW, dapat natin silang alalayan sa pagbabalik nila sa pamumuhay sa Pilipinas,” diin ni Cacdac.
“So ‘yan ang paghahandaan po natin, on a broader scale, ‘yung panunumbalik ng henerasyon ng mga OFWs na umalis 20 to 30 years ago na pauwi na,” dagdag ng kalihim.
Sinabi ni Cacdac na noong pagitan ng mga taong 2006 at 2007, umabot sa isang mil-yon ang bilang ng mga OFW na dumayo sa ibang bansa sa unang pagkakataon.
Binanggit niya na kung ang naturang mga OFW na ang edad ay nasa pagitan ng 25 at 30 anyos nang umalis sila noon, maaaring nagkakaedad na sila ngayon ng 50 taong gulang o mid-50s ngayon.
“Sa tamang panahon, baka sa loob ng apat hanggang limang taon, pauwi na rin ‘yan sila.
Kasi ang retirement age naman sa Saudi o sa Middle East, hindi tukoy na katulad natin na 0 to 65. Sa edad na 50 hanggang 60 anyos, ilan sa kanila o marami sa kanila ang nagdesisyon nang umuwi,” banggit pa ni Cacdac.
Nakipag-ugnayan na rin anya ang DMW kina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Francis Escudero para sa paggawa ng ba-tas na magiging basihan ng tulong sa mga matatandang OFW.
Bukod dito, nag-uusap na rin ang mga partylist sa House of Representatives at sa National Commission of Senior Citizens sa ilalim ng Office of the President.
Idinagdag ni Cacdac na nakikipagtulungan din ang DMW sa Social Security System (SSS) para sa expanded coverage lalo na para sa mga OFW na nagbabayad ng kanilang kontribusyon dito sa kabila ng mga panawagan sa pagkakaroon ng isang pension system para sa mga OFW.
“Maraming mga nagka-clamor na kasi walang pension system until noong 2019, noong inamyendahan ang Social Security Law, so marami sa kanila hindi na naabu-tan itong pension system sa ilalim ng ating Social Security System,” sabi pa niya.
Ipinatupad noong 2019 ang policy sa expanding coverage ng Employees’ Compensation Program sa mga land-based OFWs na nakarehistro sa SSS nang panahong iyon.
Binanggit din ni Cacdac na sinisimulan na rin ng DMW ang pagbalangkas ng mga programa para sa mga matatandang OFW para tulungan sila sa kanilang medical ex-penses.
“So ito i-announce natin sa sapat na panahon pero definitely ito ay isasagawa na-tin. Gusto natin tulungan ang mga nanumbalik na tumatanda na,” diin pa niya.
* * * * * * * * * * * *
Email - [email protected]
- Latest