Mga payo para maalagaan ang kidneys
1. Bawasan ang asin sa pagkain.
2. Limitahan ang protina sa pagkain.
3. Gamutin ang high blood pressure.
4. Gamutin ang diabetes.
5. Limitahan ang paggamit ng pain relievers. Ang mga pangkaraniwang pain relievers tulad ng mefenamic acid, ibuprofen, at mga mamahaling pain relievers tulad ng celecoxib, ay puwedeng makasira ng kidneys. Kailangan ay limitahan ang paggamit nito sa isa o dalawang linggo lamang.
6. Uminom ng sapat na tubig sa isang araw. Ang pangkaraniwang payo ng doktor ay ang pag-inom ng walong basong tubig sa isang araw. Makatutulong ito sa pag-iwas sa kidney stones o bato sa bato.
7. Wala pang basehan ang paggamit ng supplements para sa kidneys. Wala pang supplement na naimbento na napatunayang makatutulong sa kidneys. Sundin lamang ang mga payong naibigay at mapapangalagaan na ang kidneys.
8. Huwag sobrahan ang pag-inom ng Vitamin C. Ang sobrang vitamin C ay puwedeng magdulot ng kidney stones. At ang kidney stones naman ay puwedeng umabot sa kidney failure kapag hindi naagapan.
9. Magtanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot.
10. Magpa-urinalysis at ipa-check ang dugo para sa creatinine.
- Latest