^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Convoy ni Quiboloy ubra sa EDSA busway

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Convoy ni Quiboloy ubra sa EDSA busway

ANG Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nagsabi na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng EDSA busway ng mga pribadong sasak­yan at iba pa. Pagmumultahin at maari pang masuspende o makansela ang lisensiya ng motoristang mag­daraan. Para lamang ito sa mga pampasaherong bus at mga pinahihintulutang sasakyan na gaya ng convoys ng Presidente, Bise Presidente, Speaker of the House, Senate President, at Chief Justice ng Korte Suprema. Ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng P5,000 sa unang offense; P10,000, at isang buwan na suspension ng driver’s license sa second offense; P20,000 at suspension ng driver’s license sa loob ng isang taon sa third offense, at P30,000 at pagbawi ng driver’s license sa mga susunod na offenses.

Pero bakit pinayagan ng MMDA na makadaan ang convoy ni Quiboloy noong Miyerkules nang dumalo ito sa pagdinig ng Senado? May VIP treatment ba sa founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at hina­yaang makadaan sa busway na wala man lamang sumitang traffic enforcers?

Ayon sa Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame na kinakukulungan ni Quiboloy, ginamit ng convoy ang exit sa Annapolis St. at saka pumasok sa EDSA busway at nagtuluy-tuloy patungo sa Senado kung saan gina­gawa ang pagdinig sa kaso ng pastor at lima pang KOJC members. Nahaharap si Quiboloy sa kasong child abuse at qualified human trafficking. Naaresto ang pastor no­ong Setyembre 8, 2024 sa Davao.

Marami nang nahuli ang MMDA enforcers na dumaan sa EDSA busway kabilang ang mga sasakyan na may plakang “7” at “8”. Nahuli na rin minsan ang sasakyan ni Sen. Francis Escudero noong nakaraang Abril 11, 2024. Nagsori si Escudero at sinabing ang driver ng SUV ay kanyang family member. Pinagreport niya ito sa MMDA office.

Noong Nobyembre 2023, isang SUV din ang pinigil­ ng MMDA nang dumaan sa bus lane. Sabi ng driver ng SUV, si Sen. Bong Revilla ang sakay. Tinanggi ni Revilla na sa kanya ang sasakyan. Nagkaroon ng argumento sa pagitan ni Revilla at dating pinuno ng MMDA na si Bong Nebrija. Humingi ng paumanhin si Nebrija kay Revilla.

Mahigpit ang MMDA at may matang agila sa mga lumalabag sa pagdaan sa EDSA busway. Pero nang si Quiboloy ang dumaan, bakit nawala ang bangis ng MMDA enforcers. Ipatupad sa lahat ang batas. Kaya may mga lumalabag ay dahil sa hindi parehas o tamang pag-i-implement ng batas. Kailangan bang ma-exempt si Quiboloy sa pagdaan sa EDSA busway?

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with