^

PSN Opinyon

Escudero: sana padaliin ang pag-lisensya ng baril

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG dahilan para lisensiyahan ang baril:

Una, para legal na depensa kontra masasamang loob.

Ikalawa, pang-kompetisyon at pribadong koleksiyon.

Malaking tulong sa pulisya na may baril ang mga kwali­pikado. Hindi kaya ng pulis patrolyahan ang bansa at rumes­ponde sa lahat ng tawag oras-oras. Kulang sa tauhan at kagamitan ang PNP.

Padaliin sana ng PNP ang paglisensya. Gawing malimit ang gun-safety seminars, huwag ‘yong manaka-naka at atrasado sa takdang oras. Limitan din ang neuro-psychiatric exam, at test-firing ng baril para sa ballistics files. Pabilisin ang proseso at murahan ang bayad.

Kapag mahirap magpalisensya mawawalan ng gana ang debaril na mag-legal. Masasama ang baril niya sa dala­wang milyong loose firearms.

Hindi nagpapalisensya ang kriminal. ayaw niyang matunton sa kanya ang baril kapag pinaputok sa tao o anoman.

Masiyadong burokratiko ang PNP. Pinahihirap ang pro­seso kahit sa matanda nang lisensyado na nais ibenta ang pistol o revolver. Ino-obliga siyang mag-renew ng License to Own and Possess Firearm. Mahal ‘yon. Tapos, bukod pang irerehistro ang mismong baril. Panibagong gastos.

Mas pahirap: kapag riple o shotgun ay bawal ibenta. Nihindi puwede ipamana sa asawa, anak, apo, o kapatid. Inoobliga ng PNP na isuko ito sa kanila. Sa anong dahilan ay hindi maintindihan. Kaya imbis na isuko ito ay tinatago na lang ng matanda. 

Sentido kumon lang: padaliin ng PNP na maging legal ang mga baril. Tapos tugisin ang mga hindi lesinsyado at mga kriminal na nagtatago nu’n.

Payo ‘yan ni Senate President Francis Escudero.

PNA

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

FRANCIS ESCUDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with