^

PSN Opinyon

Pagkain para mapahusay ang memorya

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Isda, mani at olive oil – Ang pagkain ng matatabang isda gaya ng sardinas, tuna, tamban, mackerel at salmon ay maaaring mapanatili ang ating memorya. Ang omega-3 fatty acids ay matatagpuan sa matatabang isda.

2. Madahon at berdeng gulay – Ang broccoli, kangkong, spinach, kamote, strawberry ay mayaman sa Vitamin C at E. Ang mga pagkain na naglalaman ng antioxidant ay maka­tutulong sa paglaban sa free radicals na maaaring sumira sa ating utak. Natuklasan na ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin C at Vitamin E ay posibleng mabawasan ang panganib ng Alzheimer’s disease.

3. Pagkaing mataas sa flavonoids – Ang tea, man­sanas, orange, suha, repolyo, bawang, sibuyas, kamatis, peas at beans ay may flavonoids. Natuklasan sa isang pag-aaral na ang pagkain ng prutas at gulay ay makababawas sa pagkasira ng utak at pagka-ulyanin.

4. Curry powder at turmeric – Isang pangunahing sang­kap ng curry powder ay turmeric na naglalaman ng curcumin. Sa pag-aaral, natuklasan na ang curcumin ay isang mabisang anti-oxidant at anti-inflammatory. May pag-aaral na nagsasabi na posibleng mas gumana ang utak kapag madalas kumain nito.

5. Payo: Bawasan ang mga pagkaing mataas sa saturated fat, trans fat at cholesterol tulad ng taba ng karne, margarine at processed foods. Ang mga pagkaing maya­man sa asukal ay maaaring makadagdag sa panganib ng type 2 diabetes, isang kondisyon na maaaring magpalaki ng apat na beses ng panganib sa sakit na Alzheimer’s disease.

MEMORY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with