^

PSN Palaro

Chavit kasangga ng Philippine sports

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Chavit kasangga ng Philippine sports
Si Chavit Singson (kanan) at anak na si Richelle Singson.
Chris Co

MANILA, Philippines — Magiging solidong ka­­sangga ng Philippine sports si businessman at sports patron Luis “Chavit” Singson na hindi naman na bago sa mundo ng pa­lakasan.

Dating governor, congressman at mayor sa Ilo­cos Sur, nagsilbi na ring lider si Singson ng Philippine National Shooting Association (PNSA).

Kaya naman pamilyar na ito sa takbo ng sports sa Pilipinas.

Nangako si Singson na tutulong ito upang mas lalo pang mapaangat ang sports sa Pilipinas.

Partikular na tututukan ni Singson ang mga Pinoy athletes na nangangaila­ngan ng sapat na supor­ta para mas lalo pang uma­ngat ang kalidad ng ka­nilang paglalaro sa international competitions.

Dalawa sa mga halim­ba­wa ni Singson ay sina gymnast Carlos Yulo at weightlifter Hidilyn Diaz-Na­ranjo na tunay na umangat sa international arena.

“World class,” ani Singson na kasama ang anak nitong si Ako Ilokano Ako Par­tylist Representative Ri­­chelle Singson sa isang simpleng press conference sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque.

Pinuri ni SIngson si Diaz-Naranjo na siyang nagbigay ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games noong 2021 sa Tokyo, Japan.

Saludo rin si Singson kay Yulo na nakasungkit ng dalawang ginto sa Paris Olympics noong Hulyo.

Kilala rin si Singson sa mundo ng boxing dahil hi­nawakan nito sina boxing icon Manny Pacquiao at Charly Suarez.

Alam ni Singson ang kakapusan sa pondo ng mga atleta.

“The government should always support our ath­letes. Given the chance, I will help,” ani SIngson.

Suportado naman ito ni Richelle.

“On sports development, he will be for increase of budget for the athletes. Due to lack of funding, we struggle to produce top-niotch athletes who can represent our country well,” aniya.

“We will be in full support of increase of budget for our athletes especially in sports that we’re good at like boxing, now weightlifting. We can see some ri­sing talents, and we need to support them to have more Olympic medalist for the Philippines,” dagdag nito.

vuukle comment

CHAVIT SINGSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with