^

PSN Opinyon

400 police recruits ng NCRPO, the ‘best and brightest!’— Hernia

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MARAMING kabataang Pinoy ang gustong maging pulis­. Sino ba naman ang ayaw sa malaking suweldo ng bagong recruit na pulis na aabot sa P29K monthly? Talo pa ang starting salary ng nasa private sector, di ba mga kosa? Kaya tama lang na pairalin ni NCRPO chief Maj. Gen. Sidney Hernia ang kauna-unahang “No Palakasan” system sa recruit­ment ng aabot sa 400 bagong pulis sa command niya.

History ang gagawin ni Hernia. Dahil sa sistemang ito, masisiguro ni Hernia na malinis, parehas at transparent ang pagpili ng mga pulis sa ilalim ng liderato niya. ‘Ika nga, magi­ging cream of the crop sila dahil sila ang kauna-unahang recruits na pinasailalim sa bagong recruitment and selection process, sa sistemang “No Palakasan System.” Ara­guyyy! Hehehe!

Tiyakin lang ni Hernia na hindi mangyayari ang pang-abuso o kaso ni Colonel manyakis at anim na training offi­cers sa mga recruits, di ba mga kosa? Mismoooo!

Matatawag na cream of the crop itong police recruits sa ilalim ng liderato ni Hernia dahil ang selection process ay idinaan sa transparency at merit system. Nabura ang matandang kinaugalian na “padrino system.”

Kaya masasabi ni Dipuga na “cream of the crop” ang papasa sa recruitment na ito. Bakit? Kasi nga ba naman umabot sa 7,971 kabataang Pinoy ang nag-apply sa recruitment na ito ng NCRPO at 400 lang ang nagwagi. O di ba, “cream of the crop sila”?

Ayon kay Hernia, ipinasailalim sa stringent measures at transparent na proseso ang pagpili sa 400 aplikante na dumaan sa mahigpit na pamamaraan, tulad ng body mass index­ at physical agility tests maliban diyan ang back­ground investigation. Tiyak maganda ang kinalabasan ng 400 recruits, di ba mga kosa? Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Umabot sa 7,971 aplikante ang nakipagbuno para sa 400 quota ng NCRPO para sa patrolmen at patrolwomen. May 320 ang male applicants na pumasa o 80 percent ng quota, at 80 naman ang babae o 20 percent. Ayon kay Hernia, merit at fitness ang malaking basehan sa selection process at walang binago sa dokumento nila o impluwensiya ng mataas na opisyal ng gobyerno o pulitko. Eh di wow!

Nag-warning naman si Hernia sa mga nais makialam sa “cream of the crop” na recruitment na hindi niya sasantuhin ang mga ito, at maaring makasuhan pa sila. Araguyyy! Nasa tamang direksiyon si Hernia, di ba mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi ni Hernia na sa ilalim ng liderato niya, ang NCPRO ay dedikadong panatilihin ang mataas na antas ng recruitment standard upang masigurado na ang “the best and brightest” ang papasok na pulis sa hanay nila.

“This remarkable recruitment initiative is considered the cleanest recruitment process, which has started a new era for the NCRPO, demonstrating its commitment to upholding fairness, professionalism, and transparency in recruiting new officers,” ani Hernia.

Lahat nang aplikante, aniya, ay pumasailalim sa masidhing evaluation process bago mapabilang sa 400 na buwenas na aplikante. Dipugaaa!

Sana hindi maulit ang kaso o pagmamalabis ni Colonel manyakis at anim na PNCO trainors sa NCRPO recruits. Abangan! 

NCRPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with