^

PSN Opinyon

Urdaneta City Mayor suspendido ng 1-taon

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

ONE year suspension ang ipinataw ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Pangasinan kay Urdaneta City Mayor Julio F. Parayno III dahil sa paglabag sa dalawang probisyon ng Republic Act 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018).

Ito ay may kaugnayan sa reklamong hindi pamimigay ng business permit sa kabila ng pagsunod ng aplikante sa lahat ng requirements para makapagnegsoyo.

Sinang-ayunan ng SP sa pamamagitan ng Provincial Resolution 958-2024 na pinirmahan ng 13 SP members na ibinaba ngayong linggo ang nauna nang kapasyahan ng SP Committee on Good Government and Accountability of Public Officers, Justice and Human Rights na patawan ng administrative suspension si Parayno.

Pinawalang sala naman si Parayno sa paglabag sa RA 7160 (Local Government Code of 1991) nang hindi gawaran ng business permit ang REVM Tiposu Poultry Farm Inc. noong 2021 sa kabila na sumunod naman ito sa requirements at prosesong isinasaad ng batas.

Ayon kay Pangasinan Gov. Ramon Guico III, hindi na naisalba ng temporary restraining order (TRO) ang one year suspension ni Parayno. Tinutukoy ng TRO ang pagtigil sa pagdinig ng kaso ni Parayno sa SP at ipawalambisa ang 90-days preventive suspension na nauna nang iginawad noong Setyembre. Ang SP resolution ay ipinalabas noong Oktubre 14 samantalang ang TRO ay noong Oktubre 16.

Wala nang aalisin na preventive suspension dahil may suspension order na ang SP na anim na buwang suspension dahil sa paglabag ni Parayno sa dalawang section ng RA 11032. Wala na ring pahihintuing pagdinig dahil nakapagdesisyon na ang SP.

Noong Setyembre, sinampahan din si Parayno ng criminal case sa Ombudsman dahil sa pananakit sa isang videographer ng Pangasinan Information and Media Relations Office (PIMRO). Tatlong buwang suspension ang isinilbi ng Office of the Governor kay Parayno.

* * *

Para sa mga comment at reaction, i-send sa: [email protected]

vuukle comment

BUSINESS

GOVERNMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with