Losing skid tatapusin ng UST
MANILA, Philippines — Nais ng University of Sto. Tomas na kalsuhan ang two-game losing skid kontra tigasing Ateneo de Manila University sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament sa UST Quadricentennial Pavilion.
Tangan ang 4-5 karta, nasa pang-apat sa team standings ang Growling Tigers, habang nasa pang-pito ang Blue Eagles.
Magtutuos ang dalawa ngayong alas-12 ng tanghali.
Natisod ang UST sa unang dalawang laro nila sa second round kaya tiyak na determinado ang mga ito na makuha ang panalo at mapalakas ang kapit sa Magic Four.
Ibabangga ng Growling Tigers sina Forthsky Padrigao at Nic Cabañero para masikwat ang panalo.
Nagtala si Cabañero ng 23 points, habang 15 markers ang kinana ni Padrigao nang matalo sila sa defending champions De La Salle University, 87-94, sa overtime.
Pakay naman ng Blue Eagles na duplikahin ang panalo nila upang manatili ang tsansa nilang makasama sa Final Four pagkatapos ng 14-game double round robin.
Nasa seventh place ang Ateneo (2-6 karta).
Samantala, pakay ng La Salle na pahabain ang kanilang winning streak sa anim pagharap nila sa Adamson ngayong alas-3:30 ng hapon.
Sasandalan muli ng Green Archers si reigning Most Valuable Player Kevin Quiambao para masikwat ang inaasam na panalo at palakasin ang kapit sa tuktok ng liderato.
Tangan ng Green Archers ang 8-1 record para manguna sa standings.
- Latest