^

PSN Opinyon

Mga Pinoy, ‘wag masyadong pabibo sa social media!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Mabilis ang viral content sa social media pero mas mabilis ang mga Pinoy na pumatol sa viral na isyu. Bakit? Naalala n’yo na mga kosa ‘yung nag-rant sa social media at sinabing hacked daw ang kanyang ATM at nawalan ng P345,000? Sanrekwang comments ang sinalo nung post! Sa kamalasan, nagmukhang basang basahan tuloy ang bangko ng naturang ATM sa rami ng batikos mula sa mga galit na netizens. Dipugaaa!

Hindi nagtagal, lumabas din ang katotohanan. Bagama’t ginatungan nang maraming comments ang post na ‘yun, lumitaw na isang kapamilya n’ya ang nag-withdraw ng pera at walang hacking na naganap! Pinasakay lang ang mga netizens na patola! Araguyyy! Ang sakit sa bangs nito!

Dumako naman tayo sa diumano’y away sa social media ng Olympians na sina Carlos Yulo at EJ Obiena. May mga patutsada raw si Obiena laban kay Yulo na mabilis kumalat sa social media. Hindi rin pala totoo! Eh di wow! Sabi nga ni Obiena sa kanyang paglilinaw: “I have never made a single comment regarding Caloy’s private life, and I never shall. Any assertion otherwise is outright libel.” Sanamagan!

Hindi lang ‘yan, isa pang bunga ng kulturang patola sa social media ay ang Goto Tendon isyu na pinagsabong lang ang netizens. Wow na wow! Sa Facebook post ng food server ng Goto Tendon, sinibak daw siya sa trabaho matapos lang magpakain ng aspin habang naka-break siya. Pero sa pag-imbestiga sa nangyari, lumabas na ang pagsibak pala sa kanya ay dahil sa patung-patong na violations ng company policies at ‘di lamang dun sa pagpapakain niya ng aspin. Purbidang yawaaaah!

Lumalabas pa na siya ay isang manpower agency hire at ‘di direct hire ng Goto Tendon. Ano ba ‘yan? Di malinaw at may misinformation ang kuwento ng food server. Pinasakay lang talaga ang mga patola! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

At dahil sa biglang pagsakay sa mga isyu ng mga patola, maraming reputasyon ang nasira at mahirap nang ibalik. Sa ngayon, makapangyarihan ang social media sa buhay ng mga Pinoy. Dapat maging mapanuri muna tayo bago mag- react sa anumang makitang viral content. Bago mag-click ng “share,” isipin kung totoo ba ‘yung sinasabi nung nag-post na ang nasa isip lang ay ang kumita. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Madaling kumalat ang disinformation sa internet. Lahat halos ng Pinoy ay tutok sa social media. Madali ang sumikat o magwasak ng reputasyon gamit ang isang social media post. May epekto sa mga Pinoy ang kinakalat sa social media. Kung kasinungalingan at sisira ng reputasyon, may cyberlibel at sa karsel ang bagsak! Mismooo! Maging mapanuri sa mga bagay-bagay sa internet at social media. ‘Wag tayong maging patola at tingnan ang isyu sa kabuuan bago mag-react. Abangan!

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with