^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Suspendihin ang tax sa petrolyo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL â Suspendihin ang tax sa petrolyo

APAT na linggo nang sunud-sunod ang oil price hike. Kahapon nagtaas ng P2.65 ang gasolina; P2.70 sa diesel at P2.60 sa kerosene. Ang pagtaas ay dahil umano sa nangyayaring kaguluhan sa Middle East kung saan nagpapatuloy ang labanan sa pagitan­ ng Israel at grupong Hezbollah sa Lebanon. Ayon sa report, posibleng magtuluy-tuloy pa ang pagtaas ng produktong petrolyo. Sa kabuuan, P9.05 na ang itinaas ng gasolina at P6.75 sa diesel ngayong taon na ito.

Kapag nagpatuloy ang pagtataas, walang ibang kawawa kundi ang mamamayang kakarampot ang kini­kita. Sa pagtaas ng petrolyo, sabay na tumataas ang mga presyo ng bilihin. Tiyak na tataas ang presyo ng mga produktong iniluluwas sa Metro Manila galing probinsiya. Tataas ang presyo ng bigas, gulay, prutas at maski ang mga buhay na manok at baboy. Guma­gamit ng gasolina at diesel para mailuwas ang mga ito sa Metro Manila.

Tiyak na tataas din ang iba pang pangunahing bilihin gaya ng sardinas, noodles, asukal, mantika at iba pa. Kapag tumaas ang petrolyo, hahatakin pataas ang presyo ng mga produkto. Babawiin sa presyo ng produkto ang itinaas sa gasoline at diesel.

Ang pinakamasakit, kapag humingi ng increase ng pasahe ang transport groups. Dahil sa pagtaas ng pe­trolyo, wala nang kinikita ang mga drayber. Kakarampot ang inuuwi sa pamilya at kulang pa dahil sa pagtaas ng mga bilihin. Ayon sa mga drayber ng jeepney, ang naiuuwi nilang P700 ay P300 na lamang ngayon dahil sa sunud-sunod na oil price hike.

Noong nakaraang taon, nagbigay ng fuel subsidies ang pamahalaan sa PUV drivers. Binigyan ng tig-P6,500 ang mga driver ng tradisyunal na jeepney, public utility buses, mini buses, taxi, shuttle services taxis, transport network vehicle services, tourist transport services, school transport services at Filcabs. Ang drivers ng delivery services ay tumanggap ng P1,200 at ang tricycle dri­vers ay P1,000.

Sa kasalukuyan, walang ganitong plano ang pama­halaan at maaaring hindi na magbigay ng fuel subsidies. Walang naririnig na solusyon para mapagaan ang pa­sanin na idinulot ng fuel hike.

Isang maaaring gawin ng pamahalaan ay pansamantalang suspendihin ang excise tax sa petroleum products para bumaba ang presyo. Ito na lamang ang maaring gawin. Nakasaad sa TRAIN Law na kapag uma­bot sa $80 per barrel ang crude oil, puwedeng suspen­dihin ang tax sa petroleum products.

Karaniwang mamamayan ang magpapasan ng bigat­ sa pagtaas ng presyo ng gasoline at diesel­. Sila ang lagi nang kawawa at nahihirapan. Para maibsan­ ang kanilang dinaranas, suspendihin ang excise tax sa petroleum products.

FUEL

KEROSENE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with