^

PSN Opinyon

Ang ‘bomba’ ni Garma

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SI Royina Garma ay dating opisyal ng Philippine National­ Police (PNP) noong panahon ni Presidente Digong Duterte. Batid na ng madla ang “bombang” pinasabog niya na nag­didiin kay Duterte sa madugong war on drug at extra ju­di­cial killings, partikular na sa Davao City nang ang dating Presidente ay mayor pa roon.

Kauupong Presidente pa lang daw ni Duterte ay si Garma agad ang tinawagan upang humanap ng mga indi­vidual at organisasyon na makakatuwang sa kontrobersiyal na operasyon.

Matindi ang patotoo ni Garma sa imbestigasyon ng quad committee ng House of Representatives. Mahirap itong pabulaanan ni Duterte at ng iba pang personaheng ka­sa­bwat niya. Maraming oras ang ginugol ng quad committee sa inter­pelasyon na humantong pa sa pag-contempt kay Garma bago nito pinasabog ang bombshell.

Kaya noong Biyernes, Oktubre 11, ginawa ni Garma ang pinakamatinding hataw sa dati niyang pinapanginoon—si Rodrigo Duterte. Si Duterte raw ang utak ng madugong drug war na nagbibigay ng milyong pisong pabuya sa mga pulis para patayin ang mga drug personalities. Luhaan pa si Garma habang binabasa ang kanyang sinumpaang pahayag.

Ani Garma, kung ano ang ginawa sa Davao City, ‘yun ang modelo sa drug war na ipinatupad sa Pilipinas nang maging Presidente si Duterte na tinatayang 30,000 katao ang napatay.

Karamihan sa sinabi ni Garma ay nag-viral na sa social­ media at alam na ng marami. Ang kaso, masaklap na nating­ karanasan sa nakalipas na panahon na ang isang testigo lalo na kung may bahid pulitika ay kung minsan ay urong-sulong. Kahit pa may sworn statement ay nagagawang bawiin sa huling oras.

Maaari kasing sabihin ng isang witness na tinakot lang siya upang pumirma sa ano mang affidavit. Only in the Phi­lippines yata iyan! Ngunit kung walang mababago sa sinabi ni Garma, tuluyan nang malulubog sa kumunoy si Duterte.

Mabigat din ang testimonya ni Garma kung matutuloy ang imbestigasyon ng International Criminal Court kay Duterte kaugnay ng kanyang madugong war on drugs.

PHILIPPINE NATIONAL­ POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with