^

PSN Opinyon

Simulan nang kilatisin ang mga kandidato

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Tapos nang mag-file ng pagkandidato sa Halalan 2025. Ngayon pa lang kilatisin na natin ang mga ito:

Sino ang mga karapat-dapat na senador, kongresista, gobernador, mayor, mga bise, board members, at konsehal.

Ibig-sabihin ng “karapat-dapat”: Malinis, hindi kurakot. Marangal, hindi bibilhin ang boto natin. Matapat, tutuparin ang pangako ibis na talikuran ito.

Iwaksi natin ang mga maling pamantayan: Malapit sa atin, iboboto natin dahil kapitbahay, kaibigan, kaanak—maski ma­itim ang buto. Mabarkada, nagpapadala tayo sa pagpapa­inom at pulutan niya, o sa mga kuwentong kutsero o naka­katawa. Makikiuso, iboboto natin dahil sikat o siya ang pinili ng mga kakilala natin.

Pitong buwan ang panahon sa pagkilatis: apat mula nga­yon hanggang kampanya simula Pebrero. Tapos, mismong kampanya sa Pebrero hanggang Mayo.

PNA file photo

Sapat ‘yan para panoorin, pakinggan, basahin ang mga boladas ng mga kandidato. Ihiwalay ang palay sa bigas, ika nga.

Mayroong may karanasan sa posisyon. Gumawa ba siya ng matino, nanindigan sa mabibigat na isyu, namuno sa mga programa? O sumabay lang sa agos, nanatili sa aircon na opisina, namigay ng ayuda na may pangalan niya sa pakete nu’ng sakuna?

Mayroong baguhan sa politika. Dating negosyante, pro­­pesor, pinuno ng Jaycees o Lions Club. Lider manggagawa, magbubukid, o kababaihan. Napatunayang sinsero at ma­sipag.

Kung galing sa political dynasty ang kandidato, malamang makasarili ito. Walang gagawing matino para sa madla.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

HALALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with