^

PSN Opinyon

Kaso ng colonel sa rape try, 4 pang opisyal sa PRO12 sibak!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

LUMALAKI ang sunog sa kaso ng police colonel na naglasing at pumatong sa isang policewoman recruit sa PRO12. Sinibak ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang apat pang opisyal ng command at inilagay sila sa floating status sa Camp Crame. Behhhhh buti nga!

Sa ngayon, anim ng opisyal ng PRO12 ang sinibak ni Marbil dahil sa kaso. Baka magising na lang si PRO12 director Brig. Gen. James Gulmatico na s’ya na lang ang natitirang opisyal sa kanyang command dahil patuloy pa ang imbestigasyon na iniutos ni Marbil.

Hindi lang ‘yan, malaki pa ang posibilidad na matigbak din itong si Gulmatico sa aspetong command responsibility, di ba mga kosa? Ang malala pa, tahimik lang si Gulmatico sa isyu ng colonel kahit putok na ito sa kampo. Pinoprotektahan? Puwede, kasi inilipat pa n’ya ang biktima, na may serial No. 371967, sa North Cotabato para hindi ma-interbyu ng media. Araguyyyyyy! Ang kasamaan ay may katapusan talaga, di ba mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang bagong sinibak ni Marbil ay sina Col. Ronald Allan Peñaverde, Col. Henry Villar, Lt. Col. Roy Romualdo, at Capt. Wilson Maggay ll. Si Peñaverde ang operations  chief ng PRO12, si Villar ang logistics, si Romualdo ang commander ng Regional Mobile Force Batallion, samantalang si Maggay ll ay secretary to the regional staff o SRS.

Si Maggay ay “bata” ni Col. Cydric Earl Tamayo, ang Chief Regional Staff ng PRO 12. Dalawang hakbang na lang ay heneral na si Tamayo subalit sinayang n’ya ang ­ibinigay na pagkakataon ni Marbil. Mismooooo! ­Magkasama na sila ngayon ni Col. Joefel Siason, ang intelligence chief ng PRO12, sa Police Holding and Accounting Unit (PHAU) ng DPRM o floating status sa Camp Crame.

Hindi epektib na intel chief si Siason dahil hindi n’ya alam o wala s’yang report ng insidente, di ba Gen. Gulmatico Sir? Ano pa nga ba? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Tulad ng relieve orders nina Tamayo at Siason, hindi rin nailagay ang dahilan sa pagkasibak ng apat na opisyal ng PRO12. Subalit sinabi ng mga kosa ko na nandun sila lahat sa drinking spree sa firing range ng kampo nang mangyari ang insidente. Tikom ang bibig nila, no mga kosa? Hayan tuloy, hinagupit sila ng bagyong Marbil.

Ang pagka-relieve sa apat ay matapos magsagawa ng motu proprio investigation ang Internal Affairs Service sa kaso. At ayon kay PIO at spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo nagpadala din ang National Headquarters ng team doon sa PRO12 para sa isang parallel investigation. Talagang seryoso si Marbil na linisin ang hanay nilang tinatawag na scalawags, no mga kosa? Ang sakit sa bangs nito!

Ang biggest casualty dito sa rape try ni colonel ay si South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, ang presidente ng Partido Federal, ang Partido ni Presidente Bongbong Marcos. Kandidato si Gov. Tamayo bilang Interior Secretary matapos tumakbo sa pagka-Senador si Benhur Abalos subalit naungusan s’ya ni Sec. Jonvic Remulla. Nakaapekto kaya ang kaso ni colonel sa rape try sa malas na inabot ni Gov. Tamayo? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Magsisilbing leksyon kay Gov. Tamayo itong kaso ni colonel manyakis. Abangan!

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with