^

PSN Opinyon

Urinary tract infection at sakit sa kidneys

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Ang urinary tract infection (UTI) ay maaring umakyat sa kidneys at makasira nito. Puwede itong magdulot ng kidney failure na mangangailangan ng dialysis.

2. Ang tinatawag na Honeymoon Cystitis ay ang pagkakaroon ng impeksiyon sa ihi na nangyayari pagkatapos ng unang pagtatalik.

3. Mas madalas magkaroon ng UTI ang kababaihan dahil maikli ang daanan ng ihi nila, hindi katulad ng mga kalalakihan.

4. Pagkatapos magtalik, piliting umihi at maglinis din ng puwerta para hindi magkaroon ng impeksiyon.

5. Ang nephrotic syndrome ay isang sakit kung saan ang isang tao ay naglalabas ng protina ang kidneys ng pasyente at puwedeng magmanas ang paa at mukha.

6. Kung may sakit sa kidneys, mag-ingat sa high-protein diet tulad ng Southbeach at Atkin’s diet dahil magpapahirap sa trabaho ng kidneys.

7. May 2,000 Pilipino kada taon ang nangangailangan ng dialysis. Ang dialysis ay isa sa pinakamahal na gamutan. Aabot ng P3,000 bawat dialysis.

8. Huwag araw-arawin ang pag-inom ng pain relievers.

9. Umiwas sa mga maaalat na pagkain at sawsawan. Iwasan ang junk foods at sitsirya. Kung mahilig sa instant noodles, bawasan ang seasoning na inilalagay dito.

10. Uminom ng walo hanggang 12 basong tubig. Mahalaga ang tubig sa kidneys.

URINARY TRACT INFECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with