^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Ibasura na ang party-list system

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Ibasura na ang party-list system

IPINASA ang Republic Act  7491 o Party-list System Act noong 1995. Layunin sa pagsasabatas nito na magkaroon ng kinatawan ang mga mahihirap, mang­gagawa, kababaihan, kabataan, katutubo at iba pang kabilang sa marginalized sector maliban ang sektor ng relihiyon.

Pero mula nang kathain ito nabalahura na nang todo at hindi na nasusunod ang isinasaad ng batas. Inabuso na ito nang maraming sektor at naglutangan ang maramiing party-list na ang sariling kapakinaba­ngan ang inaatupag.

Isa si Senate Minority Leader Koko Pimentel III sa bumabatikos sa ginagawang pang-aabuso sa party-list system. Ayon kay Pimentel, sinisira ng ilang dinas­tiyang pulitiko ang party-list system at nawawala na ang tunay na hangarin na kumatawan sa marginalize na sektor ng lipunan. Ginagamit ang party-list ng ilang political clan para palawakin ang kanilang kapangya­rihan. Kaya nararapat na raw ireporma ang party-list system at para ireporma ito dapat ding baguhin ang mismong Konstitusyon.

Ibig sabihin ni Pimentel, kailangang magkaroon ng amendment sa 1987 Constitution para mareporma ang party-list system. Ito raw ang tanging paraan para mawala ang pang-aabuso ng political family sa party-list system. Kung hindi, magpapatuloy ang pagbalahura sa party-list.

Masalimuot ang pagreporma sa party-list system sapagkat magkakaroon pa ng pagbabago sa Konsti­tusyon. Ang pinakamagandang magagawa ay ibasura na ang party-list system. Hindi na ito dapat pang ma­mayani sapagkat ginagamit lang ng mga pulitiko para palawakin ang kanilang kapangyarihan. Subalit papayag kaya ang mga nakaupong party-list representatives na ibasura ang kanilang kinatatayuang posis­yon? Parang nahahalintulad din ito sa anti-dynasty bill na hindi umuusad sapagkat maaapektuhan ang mga mambabatas mismo. Maari ba nilang patayin ang pinag­kukunan nila ng pakinabang?

Sa 2025 midterm elections, umaabot na sa 70 party-list groups ang naghain para makaupo sa House of Representatives. Napakaraming nais maging kinatawan sa kongreso. Ang malaking tanong ay kung tunay ba silang kumakatawan sa mahihirap o marginalized sector o nais lang nilang palawakin ang pulitika ng kani­lang pamilya?

Sinabi ng Commission on Election (Comelec) na nagtatrabaho sila nang walang tigil para masala nang husto ang mga naghain ng COC. Sa party-list sana ay masala rin nang maayos para naman hindi masira ang nilalayon kaya nilikha ang Republic Act 7491. O kung hindi maisasaayos, ibasura na lang ito.

ELECTION

RELIHIYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with