^

PSN Opinyon

Nasaan ang true opposition

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sa obserbasyon nang marami, wala pang mapagpipiliang partido ang taumbayan dahil walang tunay na oposisyon na may sinseridad na labanan ang nakaupong administrasyon.

Ang tinutukoy ko ay para sa presidential elections sa 2028 at hindi sa darating na midterm elections sa susunod na taon. Sa ngayon, wala pa ang genuine opposition na may layuning magkaroon ng check and balance sa ope­rasyon ng pamahalaan.

Sinasabi ng kampo ni Duterte na sila ngayon ang opo­sisyon pero sa tingin ko ay hindi—sa tunay na kahulugan ng political opposition.

Ang kampong Duterte ay dating kaalyado ni Marcos­ na humiwalay lamang at nagsimulang banatan ang admi­nistrasyon dahil sa pansariling interes. May asuntong kaka­harapin si dating President Digong sa International Criminal Court at mukhang hindi hahadlang dito ang Marcos administration.

Ito ang mga sandamakmak na napatay ng madugong summary executions na nangyari noong rehimeng Duterte dahil sa kanyang war on drugs.

Iyan ang rason na nakikita ko kung bakit sagad hanggang buto ang galit ng mga Duterte sa administrasyon. Makikita natin kung lulutang ang isang malakas at totoong opisisyon sa darating na midterm polls. Sa ngayon wala pang maramdamang malakas na pambato para sa pagkapangulo ang Liberal Party.

O baka ayaw pang magparamdam bilang bahagi ng isang political strategy? Nagpahayag na si dating vice president Leni Robredo na tatakbo siyang mayor ng Naga at hindi sa pagka-Presidente sa 2028. Marami ang umaasa na siya ang isasabak ng genuine opposition sa 2028.

Ngunit ano ang malay natin at baka magbago ang hihip ng hangin at sa dakong huli, si Leni pa rin ang tatakbo? Ngunit maraming posibilidad ang puwedeng mangyari na taliwas sa ating  inaasahan. Kagaya ng ibang kababayan, umaasa ako na sa lalong madaling panahon ay reding-redi nang sumabak ang oposisyon.

DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with