^

PSN Opinyon

May bisa kahit walang desisyon ang hukuman

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Kung pinawalambisa ang isang kasalan dahil sa “psychological incapacity” ng isang tao, tinuturing na walang kasalang naganap kaya walang marriage bond. Ito ang tinangka ni Manny na gamitin sa kanyang kaso.

Kinasal si Manny kay Cindy sa harap ng huwes na kinumpirma ng simbahan. Nag-umpisa ang kanilang pagsasama nang mahusay hanggang nagkaanak sila ng dalawa.

Ngunit habang lumilipas ang taon ang kasal nila ay na­ging grabe dahil si Cindy ay tila hindi makaganap ng kanyang tungkulin bilang asawa. Noon nakilala din at nagayuma si Manny ni Nita. Kahit na alam niya may-asawa na si Manny at may dalawang anak.

Pinakasalan pa rin ni Nita si Manny dahil sa kanyang paniniwala na di na babalikan ni Manny si Cindy na noon ay may kinakasama nang ibang lalaki.

Pagkaraan ng isang buwan, nagsampa na si Manny sa Korte na pawalang bisa ang kasal niya kay Cindy.

Ngunit pagkaraan ng isang taon at may isang anak, nagsampa ng kasong kriminal na bigamya si Nita laban kay Manny, kaya nagsampa ng kaso rin si Manny ng petisyon na pawalambisa ang kasal niya sa unang asawa na si Cindy.

Habang dinidinig pa ang kasong bigamya, nakakuha na si Manny ng desisyon na pinapawalambisa ang unang kasal niya kay Cindy sa simula’t simula pa.

Ngunit dineklara pa rin ng RTC na may sala si Manny ng bigamya at sinentensiyahan siyang makulong ng tatlong taon. Kinumpirma ng Court of Appeals (CA) pero hindi binigyan ng danyos si Nita.

Umapela pa rin si Manny sa Korte Suprema (SC) at sinabing mayroon nang desisyon ang RTC na dinedeklarang walang bisa ang unang kasal niya. Kaya wala siyang sala ng bigamya sapagkat ang nasabing kasal ay hindi talaga naganap. Tama ba siya?

Mali. Kahit na walang bisa sa simula’t simula pa ang unang kasal niya hindi ito depensa sa paratang na bigamya. Dapat meron munang deklarasyon ang korte na walang bisa ang unang kasal niya bago siya mag pakasal uli.

Ayon sa article 40 ng Family Code (FC) ang pagkawalang bisa ng unang kasal ay maaari lang magamit upang magpakasal muli batay lang sa deklarasyon ng korte na talagang walang bisa ito sa simula pa. Hindi dapat ipalagay ng mga partido sa kasal na walang bisa ang unang kasal. Kailangan kumuha muna sila sa korte na ito’y talagang walang bisa.

Dito sa kaso, nagpakasal muli si Manny kahit na wala pang ganung deklarasyon. Sa katunayan nagsampa siya ng petisyon upang ideklarang walang bisa ito noon lang nagdemanda si Nita ng bigamya.

Dahil nga nagpakasal siya muli habang may bisa pa ang unang kasal, talagang may sala siya ng bigamya.

Ngunit hindi dapat pawaran ng danyos si Nita. Alam niya ang epekto ng kanyang ginawa. Kailangan na mapahiya siya talaga kung lumabas ang katotohanan. Dahil nga sa kanyang personal na pagkumbinsi kay Manny (Mercado vs. Tan, G.R. 137110, August 1, 2000).

CINDY

MANNY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with