^

PSN Opinyon

Pare-pareho ang Russia, China, North Korea, Iran

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANO ang pagkakapareho ng Russia, China, North Korea­, at Iran? Una, pare-pareho silang nasa ilalim ng diktador. Si Vladimir Putin sa Russia, Xi Jinping sa China, Kim Jong Un sa North Korea, Ayatollah Seyyed Ali Khamenei sa Iran.

Ikalawa, pakay nilang apat durugin ang America.

Ikatlo, ginugulo nila ang kani-kanilang rehiyon sa mundo. Pinahihina ang ekonomiya ng America at pinagkakalat-kalat ang pwersang militar nito.

Nilupig ni Putin ang Ukraine nu’ng 2022 sa palusot na bahagi ito ng Russia nu’ng sinaunang panahon. Agad sumu­porta ang China at Iran. Nagpadala pa ng armas ang North Korea.

Hirap na hirap nang magpondo at mag-armas ang Ame­rika sa Ukraine para hindi masiil. Hati-hati na rin ang mga kaalyado nito sa NATO.

Inudyukan ng Iran ang Hamas nu’ng Oct. 7, 2023 na mag-massacre ng Israelis sa Gaza. Inudyukan din nu’ng Nov. 23, 2023 ang Houthi ruling party sa Yemen na atakihin ang mga barkong Kanluranin sa Red Sea at Gulf of Aden.

Hinihikayat ang Hezbollah ruling party sa Lebanon na guluhin din ang Israel. Nahahati tuloy ang atensyon ng Ame­rica ku’ng sino ang mas dapat tulungan: Ukraine o Israel?

Inaangkin ng China ang buong East at South China Seas. Hinahamak ang sobereniya ng Japan, Pilipinas, Brunei, Indonesia, Malaysia, Vietnam at Taiwan. Pati kalakal mula Australia at Europe ay nasasakal. Muli nahahati ang pra­­yoridad ng America.

Pinasisiklab ng Russia at China ang gulo sa Africa. Pinag­lalaban ang gobyerno at mamamayan. Pinaaagaw ang mga negosyong Kanluranin. Hilung-hilo na ang America.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

VLADIMIR PUTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with