^

PSN Opinyon

Always Better: di lang sa Proud Makatizens, buong bansa na! (Part 1)

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Taos-puso akong nagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pag-endorso niya sa akin para sa Senado ngayong 2025.

Napakalaking karangalan po nito para sa akin, at masaya ako na mabigyan ng ganitong pagkakataon.

Nung September 26, sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas Convention sa PICC, hindi lang basta suporta ang ibinigay sa akin ng ating Pangulo, kundi isang malaking hamon din—na galingan ko pa lalo ang paglilingkod.

Ang sabi nga niya, “Hindi puwede ang puwede na, dapat better.” ‘Yan po ang magiging mantra ko sa pagtakbo ko sa Senado.

Witness din ako sa pagpirma ng manifesto kasama ang mga bigating lider. Ang mga sandaling ‘yon, simbolo ng ating solidong suporta sa isa’t isa para sa mas magandang kinabukasan ng ating bansa.

Sa dami ng suportang natanggap, lalo lang po akong ginaganahan at nagpapasalamat.

Bilang mayor, ipinakita ko na hindi sa apelyido nasusukat ang serbisyo, kundi sa tunay na malasakit at pagmamahal sa bayan. ‘Yan ang dala-dala kong adhikain sa pagtakbo ko: ang patuloy na pagbutihin ang buhay ng bawat Pilipino.

Maraming salamat ulit, Pangulong Marcos. Sa tulong ng iyong patnubay, kasama ang suporta ng mga kapwa natin Pilipino, kaya nating gawin ang mga nakakabilib pang mga bagay para sa ating bansa.

Ipinapangako kong hindi bibiguin ang tiwala ninyo. Magtulungan tayo, para sa mas better, mas maganda, at masaganang bukas para sa lahat ng Pilipino.

(Itutuloy)

PANGULONG FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with