^

PSN Opinyon

Senado vulnerable lagi sa kudeta

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay may naisulat ako sa kolum na ito tungkol­ sa namumuong planong kudeta sa Senado. Ito ay ang pang-aagaw sa posisyon ni Sen. Chiz Escudero bilang Pangulo ng Mataas na Kapulungan.

Kamakailan lang ay si Sen. Juan Miguel Zubiri ang Senate­ President at sa isa surpresang pangyayari ay bigla siyang pinalitan ni Sen. Chiz Escudero. Ngayon, si Zubiri ang may babala sa lahat ng magiging Senate President, kasama na si Escudero na huwag magpaka-kampante sa puwesto­ dahil ano mang sandali ay puwedeng maagawan ng posis­yon. Sa lahat yata ng mga nagdaan administrasyon ay may mga nangyayaring pang-aagaw ng puwesto ng Senate Presi­dent at House Speaker.

Kagaya rin kasi ng House Speaker, impluwensyal na posisyon ang Senate President. Nasa hanay ng mga successor sa Presidente ng bansa ito kasama ang Speaker of the House at Supreme Court Chief Justice.

Kung minsan, ang Presidente ng bansa ang maaaring lihim na makipagtalastasan sa mga impluwensyal na leader ng alin mang kamara para gapangin ang pagpapatalsik sa namumuno lalo pa’t hindi kayang diktahan ng administras­yon ito.

Sa kaso ni Zubiri, sinasabing pinalitan siya dahil ayaw niyang sumayaw sa pagnanais ng administrasyon na mag­karoon ng charter change (cha-cha). Pero tila wala ring pag-usad ang isyung ito sa ilalim ng pamununo ni Escu­dero kahit pa Ito’y plantsado na sa Kamara de Represen­tante. Marahil nga ay napapanahon ang warning ni Zubiri.

Kung ganyan ang kalakaran, para que pa na may bica­meral legislature tayo na nadidiktahan din naman ng admi­nistrasyon? Nasaan na ang nais nating check and balance?

Ayaw ko sa diktadurya pero ayaw ko rin sa sistemang ma­pagkunwari.

CHIZ ESCUDERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with