Si Roque at ang fake video
Noong bago pumasok sa politics at government service si Atty. Harry Roque, isa siyang human rights advocate na minsan kong hinangaan. Pero nilamon siya ng bulok na sistema nang pasukin ang mundo ng pulitika. Alam na natin ang mga kontrobersiya at isyu sa kanya ngayon.
Siya ang nangungunang pasimuno sa pagpapakalat ng video na nagpapakita sa isang taong kahawig ni Presidente Bongbong na sumisinghot ng cocaine na tinatawag nilang polvoron.
Isang kapwa abogado na si Melvin Matibag ang nagharap ng disbarment complaint laban kay Roque dahil sa paninira sa kredibilidad at pagkatao ng Presidente ng Pilipinas. Kahit sino naman ay may karapatang magharap ng disbarment complaint basta’t may napunang anomalous sa isang manananggol.
Marami ang nakahalatang “deep fake” ang video na manipulado ng modernong teknolohiya ng artificial intelligence. At alam naman ng lahat na si Roque ay kasanggang dikit ng mga Duterte lalo na sa plano nilang ibagsak ang administrasyong Marcos. Maraming tao ang kumbinsido na peke ang video.
Pero para kay Roque, bahagi ito ng kanyang kalayaang magpahayag. Anoooo! Pati ba paninira sa ibang tao sukdulang umimbento ng ebidensiya ay kalayaan? Distorted na yata ang isip ng abogadong ito na noon ay medyo hinangaan ko. Ngunit mula nang madawit ang ngalan niya pati sa illegal POGO ay marami na ang nawalan ng kumpiyansa sa taong ito.
Sa kasalukuyan, itinuturing na siyang pugante dahil sa pagmamatigas na hindi dumalo sa hearing ng Mababang Kapulungan hinggil sa kanyang involvement sa POGO.
- Latest