^

PSN Opinyon

EDITORYAL - LTO, palpak sa RA 10586

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - LTO, palpak sa RA 10586

ANG Republic Act No. 10586 na kilala rin sa tawag na “Anti-Drunk and Drugged Driving Act” ay isi­nabatas noong 2013. Mula noong 2013 hanggang ngayon, marami nang namatay dahil sa drunk driving at naka-droga. Hindi lang mismo ang lasing o naka-droga ang namatay kundi pati na rin ang nabangga o nasagasaan nila. Ayon sa mga pag-aaral, 10 tao ang namamatay araw-araw sa Pilipinas dahil sa pagma­maneho ng lasing o kaya’y nakadroga. At sa kabila na may batas ukol dito, marami pa ring nangyayaring ma­lalagim na aksidente na ang ugat ay pagmamaneho ng lasing o naka-droga.

Sa ilalim ng RA 10586, ang mahuhuling nagmama­neho nang lasing sa alak at lango sa droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng P80,000. Magmumulta naman ng P200,000 hanggang P500,000 kung may namatay.

Binatikos nang marami ang magaan na parusa at multa kaya inihain ni Senator Raffy Tulfo ang Senate Bill No. 2546 na nagpapataw nang mas mabigat na pa­rusa at multa sa mga mapapatunayang nagmamaneho ng lasing sa alak at lango sa droga. Hindi naman mala­man kung saan umabot ang inihaing panukala.

Maraming biktima ng drunk driving at nakadroga ang hanggang ngayon ay hindi pa nakakakamit ng hus­tisya. May mga namatay at ang mga naulila ay nanati­ling luhaan.

Noong Nobyembre 1, 2023, isang mag-anak na nakasakay sa traysikel at pauwi sa Quezon province ang sinalpok ng isang pickup na minamaneho ng lasing na babaing drayber. Apat ang namatay na pawang mga pasahero ng traysikel. Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng pickup at nag-overtake sa sinusundang sasakyan kaya nasalpok ang traysikel na nasa kabilang linya. Wala nang balita kung nakasuhan ang lasing na drayber.

Noong Sabado, isang MMDA personnel ang nasagasaan ng isang SUV sa EDSA malapit sa P. Tuazon underpass noong Sabado ng madaling araw. Nagdi-direct ng traffic ang 64-anyos na enforcer nang masa­gasaan. Ayon sa pulisya, nakainom umano ang drayber ng SUV na naaresto makaraan ang insidente.

Kamakalawa, sinabi ng Land Transportation Office (LTO) na balak umano nilang bumili ng mga karagdagang breath analyzer upang maipatupad nang mas mahigpit ang “Anti-Drunk and Drugged Driving Act”. Ayon sa LTO mayroon silang 750 breath analyzer pero hindi umano nila alam kung usable pa ang mga ito. Binili umano ito noong 2015.

Bakit ngayon lang ito ginagawa ng LTO? Bakit ang isang mahalagang bagay ay hindi nila pinagtutuunan ng pansin. Paano maipatutupad nang maayos ang RA 10586? Asahan na marami pang mabibiktima dahil sa drunk driving.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with