Evangelista, Santor hinirang na MOS
MANILA, Philippines — Hinirang sina Aishel Evangelista ng Betta Caloocan Swim Team at Patricia Mae Santor ng Ilustre East Swim bilang Most Outstanding Swimmer (MOS) sa pagtatapos ng “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Leg 1 kamakalawa sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila.
Nanguna ang 14-anyos na si Evangelista, Grade 10 student sa UST, sa boys’ 800m freestyle para sa kanyang pang-limang gold medal sa event na inorganisa ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) at suportado ng Speedo, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.
Nanalo rin si Evangelista sa 200m Individual Medley (2:18.45), 50m breaststroke (33.38), 100m freestyle (57.64) at 50m backstroke (31.77).
May limang golds din ang 16-anyos na si Santor mula sa mga panalo sa 800m freestyle (10:05,25), 200m freestyle (2:24.30), 200m IM ( 2:31.22), 200m breaststroke (2:50.68) at 100m freestyle (1:02.80).
Kinilala rin sina Makoto Nakamura ng S’Ace Seahawks at Jie Angela Mikaela Talosig ng Midsayap Pirates bilang MOS sa girls’ 11-yrs at 18-yrs old classes, ayon sa pagkakasunod.
Lumangoy si Nakamura ng apat na ginto at may tatlo si Talosig.
- Latest