^

PSN Opinyon

Jobs abroad: Illegal recruiter dumarami sa social media

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Nakakalungkot at nakakadismaya na marami pa rin sa ating mga kababayan na naghahangad lang makahanap ng magandang kapalaran sa ibang bansa, ang patuloy na nabibiktima ng illegal recruitment at human trafficking.  Sa unang dalawang buwan pa lang ng taong 2023, ayon sa isang tagapagsalita ng Bureau of Immigration, nakapagtala ito ng mahigit 6,000 hinihinalang biktima ng illegal recruitment at human trafficking.  Napaulat din noong nakaraang taon ang kaso ng daan-daang Pilipino na nabiktima ng illegal recruiter sa Italy. Nito lang taong 2024, ipinasara ng Department of Migrant Worker ang ilang consultancy firm sa Maynila na sangkot sa illegal recruitment ng mga overseas Filipino worker papunta sa ibang bansa. Napakarami nang ulit na nagbabala ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan laban sa mga illegal recruiter at human trafficker pero marami pa rin ang patuloy na nabibiktima nito. 

At  hindi lang ito sa Pilipinas nangyayari. Nabibiktima rin nito ang mga OFW  sa ibang bansa tulad ng mga nasa Middle East o Asya na naghahangad na makalipat sa iba pang bansa tulad sa Canada o Europe. Tinatawag din itong third country   recruitment na hindi na dumadaan sa mga awtoridad sa Pilipinas.  

Ang tinatawag sa Ingles na “illegal recruitment” ay isang klase ng panloloko, panlilinlang at pagsasamantala sa mga nagnanais na magkaroon ng maganda, disente, ligal at lehitimong trabaho lalo na sa ibang bansa. Maraming porma, anyo, karakter at pamamaraan ang illegal recruitment.  Ginagamit na rin sa modus operandi nito ang mga makabagong teknolohiya tulad ng internet, email, social media at cellphone. Dito  pumapasok ang mga online job scams.

Nitong nagdaang linggo, nanawagan muli ang Department of Migrant Workers sa publiko na mag-ingat laban sa mga pe-keng trabaho sa ibang bansa na ipinoposte at inaanunsiyo sa mga social media platform.  Nagkalat sa social media ang mga illegal recruiter at  mga sindikatong sangkot sa direct hiring schemes nang walang permiso ng DMW. Nagpapanggap silang mga lehitimong recruitment entities gamit ang mga pa-ngalan, logo at address ng mga ahensiyang  lisensiyado ng DMW para makapanloko ng aplikante. 

Pinuna ng DMW na dumarami ang mga illegal recruiter na nagpoposte sa social media at ibang website ng mga pekeng trabaho sa ibang bansa.  Ilan dito ay nagpapanggap bilang kinikilalang organisasyon para magmukhang may kredibilidad.

 Meron din namang mga lehitimong recruiter na nag-aanunsiyo sa social media tulad sa Facebook at nag-aalok ng lehitimong trabaho sa ibang bansa pero, dahil nagkalat din ang mga peke at manloloko, kailangang maging mapanuri, alerto at mag-ingat ang sino mang gustong mag-aplay sa mga job vacancies sa ibayong-dagat. Dahil  patok na patok ang social media na madaling nabubuksan ng sino mang may smartphone kahit anong oras at saan mang lugar, nakakasilip dito ng pagkakataon ang mga illegal recruiter para makapambiktima ng mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Ayon sa DMW,  ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibayong-dagat ay  da-pat makipagtransaksyon lang sa mga recruitment agencies na lisensiyado ng pamahalaan para maiwasang mabiktima ng mga online job scams at ibang mga operasyon sa internet ng mga illegal recruiter. Isa nang palatandaan ng panloloko kapag sinisingil na agad ng bayad ang aplikante sa inaalok na trabaho. Ano mang transaksyon para sa trabaho sa ibang bansa ay dapat isinasagawa  sa rehistradong pisikal na opisina ng lisensiyadong recruitment agencies. Ang mga kinokolektang pera sa mga aplikanteng manggagawa ay da-pat merong kasamang opisyal na resibo na nagpapakita sa halagang binayaran  at para saan ang kabayaran. Laging beripikahin sa DMW website kung lehitimo ang kausap na ahensiya.

Bakit nga ba kailangang mag-ingat at magbantay laban sa  illegal recruitment?  Bukod sa maaaksayang oras, pagod at perang ginugol sa pag-aaplay ng trabaho, nariyan din ang panganib na mapahamak, madisgrasya, mapariwara, maabuso at mapagsamantalahan. Nariyan din iyong mga nababaon sa utang at kahit makarating sa ibang bansa ay hindi umaaasenso ang buhay, patuloy pa ring naghihirap, laging nasa kagipitan, walang seguridad sa trabaho at walang katiyakan ang kinabukasan.

Mainam sa sino mang nag-aaplay ng trabaho sa ibayong-dagat na humango ng karanasan sa mga nabibiktima ng illegal recruiter para maging aral at gabay ito.

Kilalanin ang mga karaniwang operasyon ng mga illegal recruiter para maging alerto dito. Makakatulong din ang pagsasaliksik ng mga impormasyon hinggil sa pupuntahang bansa tulad ng mga patakaran, sistema  at proseso nito sa pagkuha at pagtanggap ng mga dayuhang manggagawa, mga ahensiya o institusyon nitong awtorisado at lisensiyadong kumuha ng empleyado sa ibang bansa  at ibang mga kaugnay na usapin.

Huwag lubhang  umasa sa mga impormasyong ibinibigay ng mga recruiter o recruitment agency. Magbasa at manood ng mga balita kaugnay sa bansang target puntahan. 

 

 

Email- [email protected]   

vuukle comment

ILLEGAL RECRUITER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with