^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hustisya sa COVID funds anomaly, kailan?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hustisya sa COVID funds anomaly, kailan?

NAARESTO na si dating Department of Budget and Management Procurement Service executive director Lloyd Christopher Lao sa Davao City noong Miyerkules. Naaresto siya ng CIDG sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Sandiganbayan First Division. Subalit makalipas ang isang araw, nakalaya rin siya makaraang magpiyansa ng P90,000.

Noong Biyernes, sinabi naman ni dating DOH Sec. Francisco Duque III na nagpiyansa na siya ng P90,000 sa Sandiganbayan First Division noon pang Setyembre 4. Sabi ni Duque, handa na niyang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Sina Lao at Duque ay sinampahan ng kaso ng Ombudsman noong Agosto kaugnay sa maanomalyang paglilipat ng P47.6 bilyong pondo para sa COVID-19 noong 2020. Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, nilabag nina Duque at Lao ang Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Noong nakaraang Hunyo, isiniwalat ni Duque na may basbas umano ni dating Presidente Duterte ang paglilipat ng COVID funds sa PS-DBM. Ayon naman kay Duterte wala raw siyang matandaan na sinabi niya iyon.

Noong Mayo pa ng kasalukuyang taon, ipinag-utos ng Ombudsman ang pagsasampa ng kaso kina Duque at Lao. Ayon kay Martires, dahil hindi na maaring ipataw pa ang dismissal kina Duque at Lao, ang kaparusahan na maaring­ ipataw sa mga ito ay katumbas ng kanilang suweldo ng isang taon na kailangang bayaran sa tanggapan ng Ombudsman. Ang desisyon ay nilagdaan noong Mayo 8, 2024.

Matatandaan na noong Agosto 2023, ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa puwesto at pagsasampa ng kaso laban kay Lao at Overall Deputy Ombudsman Warren Lex Liong dahil sa maanomalyang pagbili ng bilyong pisong halaga ng medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corp. noong 2020.

Napatunayan ng Ombudsman na dapat sampahan ng kaso sina Lao at Liong at iba pang opisyal at em­pleyado ng PS-DBM. Binatikos naman kung bakit hindi kasama sa kinasuhan si dating presidential adviser Michael Yang, associate nito na si Lin Wei Xiong at asawang si Rose Lin. Si Yang ay presidential adviser ni dating President Duterte.

Ang Pharmally officials na kinasuhan ng Ombudsman ay sina President Twinkle Dargani, treasurer and secretary Mohit Dargani, directors Linconn Ong at Justine Garado at board member Huang Tzu Yen. Ang Pharmally Pharmaceutical Co. ang nakakuha ng kontrata para mag-supply ng equipment sa kabila na ang capital nito ay P600,000 lamang.

Kailan magkakaroon ng hustisya sa kasong ito? Pera ng taumbayan ang nakataya. Malaki ang nakulimbat pero maliit ang piyansa at nakalalaya ang mga akusado.

CIDG

COVID

FUNDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with