^

PSN Opinyon

Hiwaga ng Xray machines sa MCT, tuklasin ng Quadcom!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HAPPY fiesta my hometown Alimodian, Iloilo!

Maraming empleyado ng Bureau of Customs ang nakapukol ang tingin sa kontrobersiyal na Xray machines sa kanilang hurisdiksiyon. Anong hiwaga meron dito? Kapag sinilip ng Quadcom itong Xray machines madami silang matutuklasan, kasama na d’yan ang biglang pagdami ng Chinese nationals sa Pinas. Araguyyy!

Totoo kaya ang bulung-bulungan sa loob ng Customs na itong Xray machines ang pinagmulan ng smuggling at human trafficking? Sanamagan!

Hindi lang ‘yan, itong Xray machines din ang itinuturong nagpapahirap o bumibiktima ng mga cargo ­packages ng mga kababayan nating OFWs na nagpapadala ng pasalubong sa kani-kanilang pamilya. Lalo na sa ngayon na malapit na ang Pasko, tiyak tiba-tiba sila, di ba mga kosa? Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang tanong sa ngayon, sino ang may-ari ng Xray ­machines? Sinabi ng mga kosa ko na maraming reklamo na ang inihain laban dito sa Xray machines subalit walang umaaksiyon dito. Anyare?

Totoo kaya na untouchable ang may-ari nito dahil nakasandal sa isang opisyal sa Palasyon na taga-Mindanao? Eh di wow! Abayyy kung bagyo ang may-ari sa Palasyo, sino na lang ang sisilip sa Xray machines dahil dito nagsimula ang hokus pokus kung bakit maraming Chinese sa bansa at iba pang illegal na pagkakitaan? Tsk tsk tsk!

Sobrang buwenas naman nitong nasa likod ng Xray machines na scammer pala at nagtatago lang sa palda ng amo n’yang taga-Palasyo. Mismooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Totoo kaya na ang may-ari ng mga Xray machines ay ang kapatid ni Michael Yang, na si Yang Jian Xin na binanggit ni Laguna Rep. Dan Fernandez sa Quadcom hearing kamakailan?

Si Michael Yang ay pinahahanap ng Quadcom bunga sa samu’t saring corruption cases at POGO sa kapanahunan ni Tatay Digong. Hindi naman ang mga Yang’s ang mabigat dito kundi ang kanilang kasosyo na simpleng empleyado ng Palasyo subalit nagmamay-ari ng dalawang bulletproof na sasakyan. Dipugaaa! Simple lang pro rock no mga kosa?

Teka nga pala, ang Xray machines ay makikita sa Mindanao Container Terminal, kung saan labas-masok ang kargamento, bagay o tao. Araguyyyy! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Dapat ipatawag ng Quadcom si Leo Magno, ang dating administrator ng Phivedec Industrial Authority (PIA) at gisahin para maunawaan nila ang kahalagahan ng Xray machines sa labas ng MCT.

Bakit kaya nakaligtas sa pang-aamoy ng taga-Customs at Bureau of Immigration ang baho sa Xray machines? Magkano…este paano?

Tiyak maraming madiskubreng kabalabalaghan ang Quadcom ni Fernandez pag nagkataon. Nang sa gayon, mabatid nila kung nagamit ba ito sa biglaang pagdami ng Chinese nationals sa bansa at iba pang pagkakitaan? Hehehe!  Lalabas at lalabas din ang katotohanan sa isyung ito. Abangan!

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with