^

PSN Opinyon

Lalaki na may problema sa paghinga, natuklasang may lego sa loob ng ilong!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG Pilipino-American sa Arizona, U.S.A. ang nag-viral kamakailan matapos nitong ipakita sa social media ang isang maliit na piraso ng Lego na 26 na taon ng na­kabara sa kanyang ilong!

Noong Setyembre 1, ini-upload ng 32 anyos na si Andi Norton sa Instagram ang video kung saan ikinukuwento niya ang kanyang karanasan nang aksidente niyang matuklasan ang sanhi ng problema niya sa paghinga.

Ayon kay Andi, simula pa pagkabata ay may problema na siya sa paghinga at hirap siyang huminga sa kanang butas ng kanyang ilong at dinala niya ito hanggang sa kanyang pagtanda.

Dahil lagi siyang may nasal congestion, nirekomenda ng kanyang doktor na tuwing siya ay nasa banyo at malakas ang steam ng shower, subukan niyang suminga upang mabawasan ang congestion dito.

Anim na buwan na niya itong ginagawa nang isang araw, lumabas mula sa kanang butas ng kanyang ilong ang isang piraso ng Lego.

Ang Lego ay isang brand ng educational toys na kilala sa mga makukulay na bloke at maliliit na piraso na maaaring pagdugtu­ngin para makabuo ng iba’t ibang bagay tulad ng mga bahay, kotse, at iba pa. Sikat ito bilang laruan na nag-iinspire ng pagkamalikhain at lohikal na pag-iisip.

Natandaan bigla ni Andi na noong siya ay six years old, ay may ipinasok siyang Lego sa kanyang ilong. Nang bumara ito at hindi na niya makuha, humingi na siya ng tulong sa kanyang ina.

Gumamit ng tsane o tweezers ang kanyang ina at agad naman itong nasungkit pero ang hindi niya alam ay may maliit na bahagi nito na naiwan.

Doon niya napagtanto na simula noong panahon na iyon ay nagsimula at nagkaroon na siya ng breathing problems at nakaranas na siya ng sleep apnea at asthma.

Ayon kay Andi, malaki agad ang ipinagbago simula nang makuha niya ang Lego. Dahil dito, nakakahinga na nang maluwag ang kanang butas ng kanyang ilong.

Sa huling bahagi ng Instagram video, sinabi ni Andi na ipakikita niya sa kanyang doctor ang piraso ng Lego. Aalamin niya kung ito ba ang sanhi ng kanyang Obstructive Sleep Apnea at kung gumaling na ba siya rito.

ILONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with