^

PSN Opinyon

Pangalanan ang ‘ex-PNP chief’

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Isang dating Philippine National Police (PNP) chief umano ang tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para makalabas ng bansa. Ang “ex-PNP chief” na ito umano ay nasa payroll ng POGO ni Guo.

Ang pagkakadawit ng ex-PNP chief ay ibinulgar ni Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) official at dating ISAFP officer Raul Villanueva. Humarap si Villanueva sa pagdinig ng Senado noong Martes at sinabi nitong ang “ex-PNP chief” ay maaaring tumulong para makalabas ng bansa si Guo at mga kasama.

Nakalabas ng bansa si Guo noong Hulyo 18 sa pamamagitan umano ng pagsakay sa speedboat at saka lumipat sa malaking barko na naghatid sa kanila sa Malaysia. Mula Malaysia, nagtungo sila sa Singapore at saka sa Indonesia.

Nahuli siya ng Indonesian police noong Setyembre 4 sa isang bahay na pag-aari ng isang monk. Sinundo siya nina DILG Sec. Benhur Abalos at PNP chief Gen. Rommel Marbil at ibinalik sa bansa noong Setyembre 6. Bago iyon, una nang naaresto sina Cassandra Li Ong at Shiela Guo noong Agosto 20 sa isang mall sa Indonesia. Sina Cassandra at Shiela ay sangkot sa illegal POGO operations.

Dapat ibunyag kung sino ang “ex-PNP chief” na sangkot upang maibsan ang haka-haka na ginagamit lamang ng mga mambabatas ang pagbubulgar ng resource persons upang makakuha ng pogi point sa nalalapit na 2025 midterm election.

Unfair din ito sa mga dating PNP chief na naglingkod sa termino ni ex-President Duterte at kasalukuyang Pre­sident Ferdinand Marcos Jr. Sinabi naman ni General Marbil­ na 24 na dating PNP chief ang iniimbestigahan na. Hini­mok naman ni Marbil si Pagcor official Villanueva na panga­lanan ang “ex-PNP chief” na sinabi niyang tumulong para makatakas si Guo. Kapag hindi raw pinangalanan ni Villa­nueva ang “ex-PNP chief” ang Criminal Investigation Group (CIDG) ang mag-iimbestiga para matukoy ang “ex-PNP chief”.

Nararapat pangalanan ang “ex-PNP chief” para hindi na mag-isip pa ang mamamayan kung sino ito. Para mapanatag din ang isipan ng mga dating PNP chief. Abangan!

GUO

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with