^

PSN Opinyon

Likas at natural na karapatan

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Isang kaso na naman ito ng natural na karapatan ng magulang na alagaan ang menor-de-edad na anak upang palakihin nang malusog at pangalagaan ang pag-iisip at pag-aaral. Ano ba ang awtoridad ng ilipat ito sa ibang tao at kailan ito puwedeng iwaksi at ibigay sa iba? Sasagutin ito sa kaso ni Emma, biyuda na may 12 anak at ang asawa ng isa niyang anak na si Cita.

Isa sa mga anak ni Emma ay si Rolly na napangasawa nga ni Cita. Pagkakasal tumira sila kay Emma na may sapat na pera upang suportahan sila na galing sa pension ng kan­yang asawa at sa kita sa tindahan niya.

Nagkaanak si Cita at Rolly ng dalawang babae sina Mely at Mila. Ipinaubaya sa nanay ni Cita ang panganga­laga kay Mely sa probinsiya habang sila ay nakatira kay Emma sa Maynila.

Pagkaraan ng anim na taon, namatay na si Rolly noong si Mely ay apat na taon at si Mila ay tatlong taon. Kaya pinasya ni Cita na bumalik sa kanyang nanay sa probinsiya dahil namatay nga si Rolly. At bumalik siya sa pro­binsiya kung saan siya tumira kasama si Mely.

Pagkaraan nito, nakilala ni Cita si Dr. Wally Osuma, isang Amerikanong Hapones. Ang pagkakilala nila ay humantong sa matinding pagmamahalan hanggang kinasal sila at pagkaraan ng 10 buwan nagpunta si Cita sa U.S. upang magsama na sila ng kanyang bagong asawa. Naging em­ple­yado siya sa banko habang si Dr. Wally ay may klinika at kumikita ng $5,000 kada buwan.

Bumalik si Cita sa Pilipinas upang kunin si Mila sa kan­yang nanay na si Emma. Hindi binigay ni Emma dahil ipina­ubaya na raw ito sa kanya.

Kaya nagsampa ng petisyon si Cita sa RTC upang ma­kuha ang pangangalaga kay Mila. Ginawad ng RTC ang petisyon at ito ay kinumpirma ng Court of Appeals (CA).

Ito ay kinumpirma rin ng Korte Suprema (SC) na sinabi na dahil si Cita ang natural na ina ni Mila, may karapatan siyang mangalaga sa kanyang anak. Ang ipinaubaya niya sa kanyang ina ay pansamantala at hindi tinakwil ang kanyang karapatan bilang ina. Ang pangangalaga at pagkupkop sa anak ay hindi nangangahulugan na inabandona ang karapatan bilang ina. Ito ay natural na karapatan at hindi galing sa korte o sa batas (Sagala-Eslao vs. Court of Appeals and Cordero-Ouye. G.R 116773, January 16, 1997).

NATURAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with