^

PSN Opinyon

Magagandang plano sa NAIA

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NOONG Sabado ng hatinggabi, opisyal na nagsimula ang pagpapatakbo ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) sa pamumuno ni Ramon S. Ang ng San Miguel Cor­poration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista, marami ang inaasahang maaayos na sa NAIA.

Ilan sa mga tutugunan ng NNIC ay ang tinatawag na mo­bility equipment tulad ng elevator, escalator, at walkalator. Nagtataka nga ako kung bakit ang iksi naman ng mga walka­lator, kung umaandar. Kadalasan hindi umaandar lalo na sa gabi. Hindi tulad ng ibang bansa na halos ihatid ka sa pupuntuhan mo.

Mga boarding bridges ay aayusin din. Ito ang mga lakaran na naghahatid sa pinto ng eroplano mismo. Dapat pala da­lawa ang pinto niyan para mas mabilis ang pagpasok ng mga pasahero.

Matagal na palang namili ng mga piyesa ang NNIC para ayusin ang anumang kailangan ayusin. Nakapagtataka kung bakit hindi ito ginagawa ng sinumang nagpapatakbo ng NAIA sa mga nakaraang taon.

Aayusin din ang mga comfort room – salamat naman – para mas maginhawahan ang mga pasahero sa paggamit nito. At isa sa pinakamahalaga, ang aircon. Ilang beses na magmistulang impyerno ang NAIA dahil nasira na naman ang aircon. Aayusin din ang internet sa airport para hindi nawawala ang koneksyon ng mga pasahero sa mundo.

At maglalagay ng karagdagang mauupuan ang mga pasahero. Simpleng solusyon na tila hindi magawa-gawa. May planong maglagay rin ng bagong terminal kung saan nakatayo ang Philippine Village Hotel na matagal nang hindi ginagamit. Ito ang magiging extension ng Terminal 2. Maglalagay rin ng mga shuttle na dadaan sa loob ng mga airport patungo sa lahat ng terminal. 

Ang inaasahan ng gobyerno sa NNIC ay sa loob ng walong taon ay dapat makita at maramdaman ng gobyerno at ng mamamayan ang pagbabago at pagsasaayos sa NAIA. Kundi hanggang 15 lang nila mapapatakbo ito. Wala naman akong duda na maisasaayos ng NNIC iyan lalo na’t sa pamumuno ni Ramon S. Ang. Nagtataka nga ako kung bakit hindi noon pa pinatakbo sa kanila sa kabila ng mga batikos at madalas na paglagay ng NAIA sa listahan ng worst airports.

Maraming magagandang plano. Pero tulad nga ng sabi ng iba, hangga’t hinid naipatutupad, plano pa lang iyan. Wala akong duda sa kakayanan ng NNIC kaya sa loob ng walong taon ay makikita natin ang pagbabago sa NAIA.

Ang isa naman na nangangailangan ng pagpapabuti ay ang proseso ng imigrasyon. Alam nang lahat na bumibiyahe sa ibang bansa iyan. Sa kasamaang palad, hindi iyan saklaw sa kasunduan ng NNIC at ng gobyerno. Kung pwede lang sana, ano?

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with