^

PSN Opinyon

Sumasakit ba ang inyong mga tuhod

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

PAGSAMPA ng 40-anyos, kadalasang nag-uumpisa ang pagsakit ng tuhod. Ilan sa mga dahilan kaya sumasakit ang tuhod: arthritis, sobrang katabaan at sobra sa ehersisyo.

Mga payo para hindi sumakit ang tuhod:

l Huwag magbuhat ng mabibigat. Kung mayroon kang bubuhatin, magpatulong sa isang kasama para kalahati lang ang bigat.

l Huwag palaging umakyat at bumaba sa hagdanan. Malaki ang stress sa tuhod ng paggamit ng hagdan.

l Huwag tumayo o maglakad nang matagal. Umupo pa­minsan-minsan at magpahinga. Mas relaks ang tuhod kapag nakaupo.

l Huwag mag-high heels. Alam kong mas sexy ang babae kapag naka-high heels, pero malaki rin ang stress nito sa tuhod.

l Huwag lumuhod sa sahig. Nakasisira ito ng tuhod. Kapag nasa simbahan, gamitin ang malambot na kutson para sa iyong tuhod.

l Kung mataba, magpapayat. Hindi kaya ng tuhod ang bigat ng tiyan.

l Gumamit ng rubber shoes o malambot na sapatos.

l Palakasin ang masel sa hita. Puwede ang stationary bike o mag-bending exercise ng bahagya. Masama ang sobrang pagbaluktot ng tuhod lampas sa 90 degrees.

l Kapag umiinit ang tuhod sa matagalang paglalakad, puwedeng lagyan ng malamig na bag o cold compress.

l Palakasin ang buto. Uminom ng skim milk na may ma­raming calcium. Para sa mga kababaihan, uminom din ng calcium supplements.

l Subukan ang Glucosamine at chondroitin tablets. Ang supplement na ito ay maaaring makabawas sa sakit ng tuhod.

l Kapag hindi nawala ang sakit sa tuhod, kumunsulta sa orthopedic surgeon o rheumatologist.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with