^

PSN Opinyon

Financial aid at Kadiwa tampok sa Araw ng Pangulo sa Makati

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Noong nakaraang Biyernes, personal akong dumalo sa espesyal na pagdiriwang ng “Araw ng Pangulo” sa Makati Coliseum. Kasama ang libu-libong residente ng Makati, nagtipon kami upang ipagdiwang ang kaarawan ni Presi­dent Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. - isang araw ng kasiyahan, pagkakaisa, at higit sa lahat, pagtulong.

Tampok sa pagdiriwang na ito ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mahigit 2,000 residente at ang pag­bu­­­bukas ng Kadiwa ng Pangulo sa city hall quadrangle. Isa itong market­ activity na naglalayong magbigay ng abot-kayang bilihin sa ating mga kababayan. Nasa 2,130 residente ng Makati ang nakatanggap ng P5,000 bilang tulong pinansyal sa ilalim ng programang AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita Program. Hindi ito basta-bastang payout lamang—simbolo ito ng tunay na pagkalinga ng pamahalaan sa bawat isa sa atin. Sa patuloy nating pagbubuklod at pagtutulungan, walang Pilipinong maiiwan.

Nakaka-inspire na makita kung paanong ang ating pamahalaan, sa pamumuno ni Pangulong Marcos, ay nagsusumikap na matulungan ang bawat Pilipino, lalo na ang mga kapus-palad. Muli kong ipinapaabot ang aking taos-pusong pagbati sa ating Pangulo at pagkilala sa kanyang walang kapagurang paglilingkod sa bansa. Patuloy niya tayong pinasisigla, at dalangin ko ang mabuting kalusugan at patuloy na tagumpay niya sa mga susunod na taon.

***

Kamakailan din ay dumalo ako sa grand opening ng Fujifilm Philippines Medical Service Center sa Makati­. Isang karangalan na tanggapin ang Fujifilm sa ating lungsod, at ito ay nagpapakita ng mahalagang ugnayan ng gobyerno at pribadong sektor para mas mabigyan natin ng de-kali­dad na serbisyo ang mga #ProudMakatizens.

Naroon din sa nasabing okasyon ang ilang mga kina­tawan mula sa Japan, kasama sina Masahiro Uehara, Presi­dent ng Fujifilm Philippines; Dr. Aoki Fumiko mula sa Embassy of Japan; Noriyuki Kawakubo, Managing Director ng Fujifilm Healthcare Asia Pacific; at Takashi Miyako, Vice President at General Manager ng Medical Division ng Fujifilm Philippines.

***

At siyempre, good news para sa ating lahat! Noong payday Friday, inaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod ang ordinansa na nagtatakda ng taas sahod para sa lahat ng regular, casual, at contractual na empleyado ng pamahalaang lungsod. Ang kabuuang halagang inilaan para dito ay ?79,656,000, at magiging epektibo ito mula September 1 hanggang December 31, 2024, alinsunod sa Executive Order No. 64, Series of 2024.

Ang mga adjusted salary rates ay magsisimula nang ipamahagi sa October, at ang pagtaas ng sahod para sa buwan ng September ay makikita sa inyong sahod sa November 15, 2024 bilang salary differential. Ito ay bahagi ng ating pagsisikap na patuloy na pagandahin ang kalagayan ng ating mga empleyado at bigyan sila ng nararapat na kompensasyon sa kanilang serbisyong walang kapantay. Salamat, ProudMakatizens! Sama-sama tayo sa pagpapatuloy ng mga programa at proyektong mag-aangat sa bawat isa sa atin.

FUJIFILM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with