^

PSN Opinyon

Ikaw at ako, mga modern hero

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Ikaw at ako, mga modern hero
(L-R:) Sina Phil. Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Pres. Consul Enunina Mangio at Hon. Chair and Treasurer Dr. Sergio Ortiz-Luis, Jr.; Founder at Chairman ng Asia’s Modern Hero Awards, Dr. Ronnel P. Ybañez; OFW Party-List Representative Marissa “Del Mar” Magsino, at Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) Board Member Mr. George Chua Cham.

Paminsan-minsan may dumarating sa ating nagpapaalala kung bakit natin napili ang ating karera, at kung bakit natin ito pinaghihirapan araw-araw. Para sa isang media professional na katulad ko, isa sa mga pinakasimpleng halimabawa nito ay ang mga mensahe mula sa ating mga tagasubaybay. May mga nagpapasalamat, nagtatanong, o nagpapadala ng mga suhestyon tungkol sa iba't ibang mga paksang pinag-uusapan natin.

Sa trabahong ito, walang kapantay ang pakiramdam tuwing nalalaman nating ang mga istorya at impormasyong ikinukwento natin ay nakatutulong sa iba. Ito rin siguro ang isa sa mga pinakamahalagang ambag ng digital age sa atin: ang maabot pa natin ang mas maraming tao at magkaroon ng iba't ibang paraan para maparating sa kanila ang ating mga kwento.

Kasabay nito, isang natatanging karanasan pa rin ang mapili at mabigyan ng pagkilala ng isang institusyon. Isa po tayo sa mga nabigyan ng parangal ng Asia's Modern Hero Awards 2024 nitong Agosto, bilang Asia's Reliable and Trusted Multiplatform Host/Anchor and Producer.

Maraming salamat, Asia's Modern Hero Awards! 

Tinanggap natin ang parangal ng Asia's Modern Hero Awards 2024 bilang Asia's Reliable and Trusted Multiplatform Host/Anchor and Producer, kasama ang aking asawang si Nonong.

Binabati ko rin ang mga kasabay nating nakatanggap ng parangal, tulad nila Architect Felino Palafox Jr., ALC Chairman Edgardo Cabangon, FFFCI Executive Vice President Victor Lim, PA Lt. Gen. Roy Galido, Former PNP Chief Gen. Robert Lastimoso, Executive Minister of the PMCC Jonathan Ferriol, FPJ Bayanihan Chairman Brian Poe Llamanzares, National Security Adviser Gen. Eduardo Año, TESDA Secretary Suharto Mangudadatu, Tingog Partylist Representative Yedda Romualdez, at Senators Joel Villanueva at Robin Padilla.

Isang karangalan ang mapabilang kasama ang mga bigating ito!

Ibinahagi ni Senator Joel, na tumanggap ng Asia’s Preeminent Legislator for Outstanding Public Service, na hindi niya pinangarap na maging pulitiko 23 taon nang nakaliipas. Ngunit ngayon, inamin niyang masaya niyang ginagampanan ang kanyang trabaho, at ang "pagkakaroon ng ambag sa mga bagay na higit pa sa ating mga pangarap natin ay walang kaparis.” 

Higit sa dalawang dekada na simula nang nag-retiro mula sa kapulisan si Gen. Lastimoso, ngunit hindi dito nagtapos ang kanyang serbisyo publiko. Naglingkod siya bilang General Manager ng MRT-3 simula 2004 hangang 2009, at Chairman ng Philippine National Railways Board mula 2017 hanggang 2022.

Si Edgard Cabangon ang isa sa mga kilala kong nangungunang lider sa industriya ng media at iba pang mga sektor. Iginawad naman sa kanya ang Asia’s Humanitarian Hero:  ALC’s Compassionate Steward of COVID-19 Refuge, dahil sa kaniyang pamumuno sa ALC Group of Companies na aktibong tumugon sa pangangailangan ng maraming komunidad noong panahon ng pandemya.

Inialay naman ni Brian Poe Llamanzares ang natanggap na pagkilala sa kanyang lolo, si Fernando Poe Jr., kung saan rin ay ipinangalan ang samahan na kanyang pinamumunuan. “Ang parangal na ito ay para sa aking lolo, na ipinagdiriwang rin natin ang kaarawan ngayong Agosto,” sabi ni Brian. Sa pamamagitan ng FPJ Panday Bayanihan, dagdag niya, “nananatiling buhay ang alaala ni FPJ.” 

(Mula kaliwa) Sen. Joel Villanueva, ALC Chairman Edgardo Cabangon, FPJ Bayanihan Chairman Brian Poe Llamanzares, Former Sen. Rodrigo Honasan, at (dulong kanan) Lt. Gen. Roy Galido, Commanding General ng Philippine Army.

Sa kanyang pagtanggap ng parangal bilang Asia’s Remarkable Leader and Distinguished Military Servant, binanggit ni Lt. Gen Galido na patuloy niyang gagawin ang lahat para “maabot ng Philippine Army ang mas mataas na antas ng paglilingkod.”

Inalala naman ni Gen. Eduardo Año ang kanyang mga naging mentor at gabay, at mga katrabaho niya sa Philippine Army, na aniya’y “marami ang isinasakripisyo, at kanyang nagiging sandigan kapag nagiging masyadong mabigat na ang kanyang mga responsibilidad.”

Kasama sina Security Adviser Gen. Eduardo Año at ang kanyang maybahay, at si Architect Jun Palafox.

Iginawad ang Asia’s Modern Hero for Architectural Innovation kay Architect Felino “Jun” Palafox Jr., na nagbahagi naman ng kaniyang pag-asa para sa kinabukasan ng bansa. “Kapag ating natugunan nang mas epektibo ang mga suliranin natin ngayon… kayang-kaya nating maging first-world country, at “first-world economy sa 2040.”

Nagpapasalamat din tayo sa executive council na nanguna sa pagpili ng mga awardee: sina Phil. Chamber of Commerce and Industry (PCCI) President Consul Enunina Mangio, at PCCI Hon. Chairman and Treasurer Dr. Sergio Ortiz-Luis Jr., Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. Board Member Mr. George Chua Cham; ang napakagandang dating mayor ng Tacloban City, si Cristina Gonzales Romualdez, at ang kongresista ng OFW Party-List, si Rep. Marissa “Del Mar” Magsino.

Mula sa grupong ito, masasabi kong personal ko nang nasaksihan ang dedikasyon sa paglilingkod nila Dr. Ortiz-Luis and Mr. Cham noon pa man. Pagdating sa usapin ng mga lokal na small at medium enterprises o mga SME, masigasig at aktibo si Dr. Ortiz-Luis, samantala, si Mr. Cham naman ang isa sa mga nangunguna sa mga inisyatibo para sa mapayapang relasyon ng ating bansa at ng China.

At kung usapin lang din ng philanthropy at modern heroism, nararapat lang na mabigyan ng pansin ang mga programa ng lead foundation ng awards program, ang Chunnel and Channel Foundation, Inc., at ang presidente ng samahang ito na si Dr. Ronnel P. Ybañez. Simula nang maitatag ang Chunnel at Channel Foundation, sila na ang naging ka-partner ng maraming kumpanya para sa mga natatanging inisyatibong tumutupad sa kanilang Corporate Social Responsibility.

Pagsabak sa ‘tradigital’ media

Malapit sa aking puso ang pagkilalang iginawad sa akin ng Asia’s Modern Hero Awards. Ito ang kauna-unahang award na aking natanggap simula nang sumabak ako sa iba’t-ibang online platform kasabay ng mga dati nang ginagalawang telebisyon, radyo at peryodiko ng traditional media.

Ang mga dati kong natanggap na mga pagkilala ay dahil sa aking mga report bilang alagad ng traditional media sa ABS-CBN --  mula sa pagiging broadcast journalist hanggang sa aking partisipasyon sa mga public affairs at public service programs ng kumpanya, partikular na ang aking trabaho bilang dating pinuno ng Bantay Bata 163.

Ilan sa mga hindi malilimutang kabanata ng aking ‘traditional media’ career: mula sa pagbabalita sa 2015 Papal Visit (kaliwang larawan), hanggang sa balitang-pulitikal, at sa paghahatid ng mga kwento ng mga Pilipino sa ibang bansa sa Balitang Middle East, kasama si Henry Omaga-Diaz (kanang larawan – napapagitnaan namin ni Henry si dating Bise-Presidente Jejomar Binay).

Ang pagsisimula ko ng aking negosyong Big Angel Solutions, OPC noong pandemya na siyang gumagawa ng aking self-produced shows na Pamilya Talk at Okay Doc, at iba pang communication projects, ang isa sa mga pinakamalaking desisyon na aking ginawa.

Ang mga aral at kwentong baon ko mula sa aking 25-taong karera sa traditional media ang itinuturing kong gabay sa pagbuo ng mga programang educational, informative, at inspirational sa ating mga kapwa Pinoy, lalo na sa gitna ng pandemyang kinaharap natin ilang taon nang nakalipas.

Sa Big Angel Solutions, OPC, nagtatagpo ang husay ng mga beterano sa ABS-CBN at talento ng mga Gen Z para sa pagbuo ng mga makabuluhang programa.

Dahil sa pagkilala bilang Asia’s Reliable and Trusted Multiplatform Host/Anchor and Producer, nabibigyan ng kumpyansa ang mga media professional na tulad ko sa bagong landas na tinahak namin bilang content creators.

Ngunit ano man ang platform na ating ginagalawan, nakatuon pa rin tayo sa ating mga naging saligan sa pagbabalita: ang pagiging totoo, pagiging mahusay, at pagtutok sa mga kwentong mahalaga sa buhay ng ating mga kababayan.

Ang aking mga self-produced shows ay mapapanood online at on-air sa ABS-CBN TFC at JeepneyTV. Mula sa mga interview kasama ang Supreme Court Justices hanggang sa ating health and public service shows, pati na rin ang mga educational travel shows, tuloy ang paghahanap natin ng mga storyang maihahatid sa ating mga kababayan.

Hindi ko matutupad at magagawa ang lahat ng ito kung wala ang mga natatanging tao sa aking buhay. Alay ko ang pagkilala ng Asia’s Modern Heroes Awards sa aking pamilya, sa aking mga magulang, asawa, at mga anak – at sa bawat isa sa inyong nakasubaybay sa ating mga kwento, ang ating mga KasamBuhay. Maraming salamat sa patuloy niyong pagsama sa ating paglalakbay!

------ 
Sundan ang aking social media accounts JingCastaneda InstagramFacebookYouTubeTiktok and Twitter. Ipadala ang inyong mga kuwento at suhestiyon sa [email protected].

HERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with