Negosyo tips para sa mga Overseas Filipinos
Para sa karamihan ng mga Overseas Filipinos, darating din ang panahon na mas gugustuhin nilang magnegosyo sa Pilipinas matapos ang maraming taong pagtatrabaho sa ibang bansa. Bukod sa sila ang magiging boss ng sarili nilang business, malaki rin ang potensyal na lumaki ang kanilang kita at hindi na kailangan pang mahiwalay sa kanilang pamilya.
Pero maraming bagay ang dapat ikonsidera bago sumabak sa negosyo. Narito ang ilang tips sa mga kabayang nais magkaroon ng sariling business:
1. Mag-research nang mabuti
Ano ba ang business objective mo? Bago maglaan ng panahon at kapital sa isang negosyo, mag-research muna nang mabuti sa papasuking negosyo. Sino ang iyong target customer? Matao ba sa lugar kung saan mo balak itayo ang negosyo? Patok pa ba ang produkto o serbisyong inenegosyo mo? Hanapin muna ang kasagutan sa mga ito bago umpisahan ang business.
2. Kumpletuhin ang mga requirements
Alamin at lakarin ang mga kinakailangang requirements bago simulan ang negosyo. Halimbawa: barangay clearance, Mayor’s business permit at lisensya, rehistro ng pangalan ng negosyo sa Department of Trade and Industry (kung single proprietorship) o sa Securities and Exchange Commission (kung partnership o corporation), Bureau of Internal Revenue registration, business plan, location clearance, location map, sanitary permit, fire permit, corporate bank account setup, atbp.
3. Maglaan ng oras sa negosyo
Maglaan ng sapat na oras sa negosyo—kung hindi man mula sa ‘yo, dapat mula sa taong pinagkakatiwalaan mo na aasikaso ng iyong business. Kumpara sa pagiging empleyado na 8 oras kada araw at limang araw lang ang kadalasang kailangang igu-gol sa kumpanya, ang pagnenegosyo ay 24/7 kasama na ang weekends at holidays, ayon nga sa mga experts. Bilang boss ng iyong negosyo, tungkulin mo na tutukan ang lahat ng aspeto ng iyong business.
4. Magtanong sa mga business experts
Bilang baguhan ka pa sa pagnenegosyo, natural lang na mangangapa sa simula. Ang pagtatanong ay hindi indikasyon ng kahinaan. Huwag mahiyang magtanong lalo na sa mga taong pinagkakatiwalaan mo na matagal na sa negosyo at mula sa katulad na industriya o sector na balak mong pasukin. Huwag matakot na humingi ng tips kung paano magsimula, ano ang gagawin sa panahon ng krisis, paano kung hindi pa kumikita sa simula, atbp. Pumunta rin sa mga seminar o forum ng mga kilalang business organization para makakuha ng insights at mahahalagang tips, o sa mga website tungkol sa mga epektibong pagnenegosyo.
5. Sa bangko pumunta para manghiram
Para sa iyong initial capital, huwag matakot na lumapit sa bangko para mag-loan. Ang mga bangko ay regulated ng Bangko Sentral at nag o-offer ng interest rate na ayon sa merkado. At dahil regulated ng gobyerno, protektado rin ang kapakanan ng mga maliliit na negosyanteng tulad mo.
Hangga’t maaari, huwag gamitin ang lahat ng savings para sa negosyo dahil mas kakailanganin mo ito sa panahon ng emergency, tulad ng hospitalization, atbp. Mas mahalaga na kumuha ng “good loan” mula sa bangko na naka-disenyo talaga para sa pagnenegosyo, pang-renovate ng bahay or pambayad ng tuition. Isa na rito ang Kabayan Loan mula sa BDO.
Ayon naman sa Small Enterprise Knowledge Center, ilan sa bentahe sa pagnenegosyo ay ikaw ang sarili mong amo, makakapagtakda ka ng sarili mong iskedyul, at nabubuhay ka sa bagay na gusto mo. Pero kailangan dito ang masusing pagpaplano, pagkamalikhain at sipag.
Ang matagumpay na negosyante ay handang humarap sa mga pagsubok, hindi natatakot mabigo, nakakapagdesisyon sa sarili, mapanghikayat at maimpluwensiya sa ibang tao para suportahan at tulungan kang makamit ang iyong layunin, mahusay makipagnegosasyon at la-ging nagpapaunlad ng mga bagong idea.
Itanong muna sa sarili mo bago magsimula ng isang negosyo: “Bakit magnenegosyo ako? Anong negosyo ang gu
sto ko? Sino ang dapat na kustomer ko? Anong produkto o serbisyo ang maibibigay ng negosyo ko? Handa ba akong maglaan ng oras at pera para makapagsimula sa negosyo? Ano ang pagkakaiba ng aking business idea at mga produkto o serbisyo sa negosyo ng ibang tao? Saan pupuwesto ang negosyo ko? Anong klaseng supplier ang kailangan ko? Magkano ang kailangang puhunan para makapagsimula? Kailangan ko bang mangutang? Gaano katagal bago maihanda ang mga produkto at serbisyo ko? Gaano katagal bago ako kumita? Anong insurance ang kailangan? Paano ko patatakbuhin ang negosyo? at paano ko ibebenta ang negosyo ko?”
Merong mga negosyo na maaaring gawin kahit sa loob lang ng iyong pamamahay kaya hindi na kailangang mangupahan ng puwesto pero depende pa rin ito sa lugar na kinatatayuan ng iyong bahay.
May mga negosyo na kailangang itayo sa matatao o pampublikong lugar, sa mga pamilihan, business o commercial center, shopping mall, industrial zones o saan mang lugar ito naaangkop bagaman kadalasang kailangan ditong umupa ng lugar maliban na lamang kung sarili mo ang lupa at gusaling pagtatayuan ng negosyo.
* * * * * * * * * * *
Email- [email protected]
- Latest