^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Smuggling ng sibuyas atbpa., umaarangkada

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Smuggling ng sibuyas atbpa., umaarangkada

“BER” months na. Ang ganitong mga buwan ang hinihintay ng smugglers ng agricultural products. Magandang panahon para magpuslit sa bansa ng mga produkto gaya ng sibuyas, carrots, bawang at iba pang gulay na pawang galing sa China. “Ber” months din noong 2022 nang magkaroon nang malawakang kakulangan sa sibuyas at nagmahal nang todo na umabot sa P700 ang kilo. Natuklasan na hino-hoard ang sibuyas ng mga ganid na negosyante kaya nagmahal ang presyo. Mina­manipula nila ang presyo ng sibuyas na ang lubhang nasaktan ay mga consumers at ang bansa mismo.

Kamakalawa, nakasamsam ang Department of Agri­culture (DA) sa pakikipagtulungan sa Bureau of Customs (BoC) ng smuggled na sibuyas at carrots sa Subic na nagkakahalaga ng P21-milyon. Ayon kay DA secre­tary Francisco Tiu-Laurel na ang mga smuggled na sibuyas at carrots ay nakalagay sa limang shipping containers na galing sa China. Ang consignee ng mga produkto ay ang Betron Consumer Goods Trading na dineklarang ang laman ng mga containers ay frozen fish egg balls. Nang inspeksiyunin, sangkaterbang sibuyas at carrots. Pinasasampahan na ng kaso ang may-ari ng mga nakumpiskang smuggled goods. Sabi ni Tiu-Laurel, ang smuggled goods ang salot sa gob­yerno sapagkat hindi nagbabayad ng buwis. Malaki umano ang nananakaw ng smugglers sa kaban ng bansa. Banta rin ito sa kalusugan ng mamamayan. Ayon pa kay Tiu-Laurel, ninanakaw din ng smugglers ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Kamakailan, nagsampa ng reklamo ang Philippine Competition Commission (PCC) sa 12 traders at importers ng sibuyas bilang “cartel”. Ayon sa PCC, kino­kontrol ng traders ang presyo ng sibuyas dahilan para tumaas ang halaga nito.

Ayon sa PCC, nagsimulang pumasok ang traders sa “anti-competitive agreements” para sa suplay ng imported onions noong 2019. Nakipagsabwatan umano ang mga ito para makontrol ang presyo at limitahan ang kompetisyon na lubhang nakasasama sa mga kon­syumer at higit sa lahat, sa ekonomiya ng bansa. Ayon sa PCC ang anim na kompanyang kinasuhan nila ay ang Philippine Vieva Group of Companies Inc., Tian Long Corp., La Reina Fresh Vegetables and Young Indoor Plants Inc., Yom Trading Corporation, Vieva Phils Inc., Golden Shine International Freight Forwarders Corp. Samantala, ang anim na indibidwal na sinampahan nila ng reklamo ay sina Mark Castro Ocampo, Nancy Callanta Rosal, Lilia Cruz, Eric Pabilona, Renato Francisco Jr. at Letty Baculando.

Kamay na bakal laban sa smugglers at hoarders ng agri products. Nararapat na may masampolan sa kanila. Hinihintay naman ang pangako ni Pres. Marcos Jr. na hahabulin at kakasuhan ang agricultural smugglers at hoarders. Now na!

SMUGGLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with