^

PSN Opinyon

Drug haul ng PDEG sa Cavite, gagamitin sa election?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Pinaimbestigahan ni PDEG director Brig. Gen. Eleazar Matta ang report na ang P741 milyon na shabu na nakum­piska ng mga pulis sa Imus, Cavite noong Lunes ay nala­layon na pondohan ang mga pulitiko sa nalalapit na midterm elecitons. Malakas ang paniwala ni Matta na ang mag-live-in na sila Larry Martin Didel, 37, at Jan Rey Estrella, 26, ay mga second layer member ng drug syndicate na nagpapalaganap ng shabu sa Southern Luzon at Metro Manila.

“Malapit na ang Pasko at maging ang 2025 elections kaya’t pinaimbestigahan ko kung gagamitin ang milyones para pondohan ang pagtakbo ng mga pulitiko,” ani Matta. Nilinaw niya na wala pa silang natukoy na pulitiko na sang­kot sa pagpalaganap ng droga kaya lang kasama ito sa sini­silip nila. “Kalakaran naman ‘yan na tuwing elections, may pinopondohan ang mga drug syndicates na pulitiko subalit wala pa tayong nasagap na intel patungkol dito,” ani Matta. Eh di wow!

Sinabi ni Matta na wala sa isip nila na malakihang luma­kad ng shabu sina Didel, na isang mekaniko, at Estrella, na motor shop owner. Kaya lang, ang asset nila ay nakapag-set up sa pagbili ng dalawang kilo ng shabu sa kanila sa halagang P1 milyon. Ayon kay Matta, pinapasok ng mag-live-in ang asset nila sa kanilang bahay sa B-34 L-19, La­vender St. Bgy. Pasong Buaya ll sa Imus, Cavite ng bandang 6:26 p.m. noong Lunes.

Matapos ang matagumpay na palitan ng epektos, nag­bigay ang asset ng green light at pinasok na ng taga-PDEG, at iba pang police units, ang bahay at inaresto sina Didel at Estrella. Beeehhh buti nga! Hindi naman pumalag ang mga suspect, ayon kay Matta. Kung sabagay, hindi na uso ang “manlaban,” di ba mga kosa? Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Nakumpiska kina Didel at Estrella ang mahigit 1,000 gramo ng shabu, na nagkakahalagang P6,800,000. Nang halug­hugin ang ibang parte ng kanilang bahay, nakakuha pa ang raiders ng 114 kilos ng shabu na nakalagay sa ilang sako at may standard drug price at P748 milyon. Nakuha rin ang green paper bag na naglalaman ng P1 milyon boodle money.

Swak sa banga sina Didel at Esrella dahil armado ang police raiders ng body worn cameras at alternative recording devices. Nagtestigo rin sina kagawad Nestor Camerino at mediaman Rossel Calderon. Nakupooo! Matagal na hihimas ng rehas na bakal sina Didel at Estrella, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni Matta na ito na ang pinakamalaking shabu haul nila mula nang maupo siyang hepe ng PDEG noong Mayo. Lumitaw sa initial investigation na ang saku-sakong shabu ay pinik-ap ng mag-live-in sa isang mall sa Cavite at dinala sa bahay nila.

Teka, teka, parang ganito rin ang estilo ng foreigners na nasa likod ng Alitagtag, Batangas shabu shipment ah? Sa mall din ang bagsakan ng shabu nila. Coincidence? Sinabi pa ni Matta na ang bayad ay dinideposito nina Didel at Estrella sa banko. Sina Didel at Estrella ay ginigisa pa ng PDEG investigators kaya marami pang detalye ang lulutang. Sanamagan! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang talaga! Abangan!

CAVITE

IMUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with