^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Quarrying dahilan nang pagbaha

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Quarrying dahilan nang pagbaha

NAGBABALA ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na lulubha pa ang ma­raranasang baha sa Rizal province kapag hindi naka­gawa nang maayos at epektibong solusyon ang mga awtoridad. Sinisi ng DENR ang urbanization o pagdami ng tao sa lungsod kaya nagkaroon nang malawakang baha sa Rizal at iba pang lungsod sa Metro Manila. Marami na umanong tao sa rural areas ang lumipat sa lungsod at ito ang nagko-conribute sa pagkakaroon nang malaking baha.

Ang nangyaring pagbaha sa Antipolo City, Marikina, Pasig at Cainta noong Setyembre 2 dahil sa habagat at Bagyong Enteng ay nakagulat sa maraming residente. Hindi naman daw bumabaha ng ganun kalaki sa kanilang lugar. Maraming nagsabi na matagal na silang nakatira sa Antipolo pero noon lang sila nakaranas na rumagasa ang baha na pumasok sa kanilang bahay. Sa mga retratong nai-post sa Facebook, mara­ming bahay ang nalubog at bubong na lamang ang naki­­kita. Pati ang mga may bahay na may ikalawang palapag ay inabot din ng baha. Maraming sasakyan ang tina­ngay ng agos at naghambalang sa mga kalye. Nagkaroon din ng landslide sa isang barangay sa Antipolo na ikinamatay ng tatlong tao kabilang ang isang buntis.

Sa Marikina, marami rin ang binaha na mas matindi pa umano sa dinulot ng Carina na nanalasa noong Hulyo 24. Hindi umano gaano kalakasan ang ulan na dulot ng Bagyong Enteng pero bumaha agad. Ganito rin ang naranasan sa Cainta at Pasig. Umapaw ang ilog at pati ang mga subdibisyon sa Cainta na hindi naman daw dating binabaha ay pinasok ng tubig. May mga pader ng subdibisyon na nawasak dahil sa ruma­ragasang tubig. Ayon sa mga taga-Cainta, nakararanas na sila ng baha noon pero hindi katulad ng dinulot ng Bagyong Enteng. Halos ganito rin ang nangyari sa Pasig na marami ring bahay ang nalubog sa baha dahil sa pag-apaw ng ilog.

Dilaw ang tubig na rumagasa sa Antipolo, Marikina, Cainta at Pasig. Indikasyon na galing sa bundok ang tubig na umagos. Hindi kaya nasisira na ang bundok kaya ganito kadilaw ang baha na rumagasa? Hindi kaya patuloy ang quarrying sa kabundukan ng Rizal kaya ganito kalubha ang baha na nararanasan sa mga lungsod at bayan sa Metro Manila.

Hindi rin kaya dahilan ng baha ang patuloy na mining at crushing operations sa nabanggit na probinsiya? Sa halip na sabihin ng DENR na ang urbanization ang dahilan ng baha, dapat ding tingnan ang quarrying at crushing operations. Basura rin ang itinuturong dahilan ng pagbaha pero mas dapat imbestigahan ay ang mga nangyayaring paghuhukay sa bundok. Usisain ang papel ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ukol dito.

DENR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with