^

PSN Opinyon

Umunlad ang ekonomiya, lumubog ang taumbayan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BAKIT, nakakakain ba ang balita? Sagot ‘yan ng karaniwang tao sa ulat ng gobyerno na umunlad ang ekonomiya kaya mas abot-kaya ang pagkain.

Kesyo raw umangat nang 6.3 percent ang gross domestic product nitong Abril-Hunyo. Kesyo raw dagdag ‘yan sa 5.7 percent nu’ng Enero-Marso.

GDP ay suma total ng halaga ng lahat produkto at serbisyo sa loob ng bansa. Kasama diyan ang industriya, kalakal, pananim, pangisdaan, turismo, pati texts.

Ku’ng umunlad nga, bakit hindi maramdaman ng madla? Tinanong ko si Prof. Sonny Africa, IBON Foundation exe­cutive director. Konstruksyon ang umunlad ng husto, ani Africa. Dahil ito sa gastos ng gobyerno sa imprastruktura. Pero ang kumita ay ang mga may-ari ng mga malalaking lupain na dinaanan ng kalye. Naisalya nila ng times three ang halaga.

Ini-smuggle sa Navotas pati sibuyas – DA photo, Aug. 16, 2024

Kumita rin ang mga kawatang pulitiko. Binisto ni Baguio City mayor Benjie Magalong na 40 percent ang kickback sa roadworks. Hindi kuntento, mga pulitiko na rin ang uma­ak­tong kontratista at supplier ng materyales, para sa 15 percent pang tubo.

Lagapak ang agrikultura, dagdag ni Africa. Mahigit 900,000 ang nawalan ng trabaho sa mga bukirin, at 100,000 sa pa­ngisdaan. Naganap ito maski nagdagdag gastos ang gob­yerno sa sektor nitong 2022-2024.

Resulta: Mahal pa rin ang pagkain.

Otomatikong solusyon ng gobyerno na umangkat ng isda, karne, manok, gulay, prutas. Lalong nawalan ng kita ang mga magsasaka at mangingisda sa sobrang murang imports. Wala namang tulong sa kanila para sa, halimbawa, inik­siyon kontra African Swine Fever.

Nagmahal din ang mga gamot at medical lab tests. Pero tinangay ng gobyerno ang P90 bilyon ng PhilHealth members.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

EKONOMIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with