Umlah rooftop garden ng mamang pulis
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang inspiring na buhay sa pagtatanim ng iba’t ibang uri gulay sa rooftop ng kanyang bahay ng isang aktibong miyembro ng Philippine National Pulis (PNP) sa Taguig.
Ang aking tinutukoy ay si SPO2 Abdulgafur Umlah, na nakatalaga sa PNP-NCRPO at residente ng Block 1 Lot 224 Seven Hea-ven, Earth Road, Napindan, Taguig City.
Isang mabuting ehemplo sa hanay ng men in uniform si Abdul dahil sa kanyang ginagawang pagtatanim ng green leafy vegetables sa kanilang rooftop.
Si Abdul ay tubong Mindanao mula sa Sulu at nagsimula siyang magtanim ng gulay noong kasagsagan ng pandemya sa COVID-19.
Aniya, na-inspire siya sa kanyang mga napapanood sa social media na nagpapalaganap ng urban gardening kabilang na ang Magsasakang Reporter na kanyang napanood sa Youtube.
Pinag-aralan ni Abdul ang simpleng pagtatanim hanggang maitanim na niya ang mga gulay na nabanggit sa kanyang bahay kubo.
Aniya, noong una ay namatayan din siya ng mga halaman pero hindi siya tumigil sa pagtatanim hanggang unti-unting ma-perfect.
Nang bihasa na sa pagtatanim, sinubukan din ni Abdul ang mga high value crop, tulad ng cauliflower, brocoli at repolyo na sa Baguio at Benguet lang halos nakikitang nakatanim pero sa Taguig ay napaganda din ni Abdul.
Sa pagbisita ng Masaganang Buhay Team sa rooftop garden ni Abdul ay full pack ang kanyang mga tanim at hindi siya tumigil.
Sinabi ni Abdul, nakakatipid na siya, masustansiya pa ang kanilang kinakain dahil kinukuha lang niya sa kanilang garden at nakakatulong pa siya sa pagpreserba sa ating Inang Kalikasan.
“Magkakaroon tayo ng food security at food sufficiency kapag nagtanim ng sariling pagkain ang bawat isa sa atin,” ani Abdul.
Luntian at napakaganda ng mga tanim ni Abdul na iba’t ibang uri ng gulay at herbs, tulad ng talong, ampalaya, okra, sitaw, labanos, petchay, lettuce, kalamansi at marami pang iba.
Aniya, stress reliever niya ang pagtatanim at ang sobra sa kanilang pagkain ay ipinamimigay lang niya sa mga kapit-bahay, kaibigan, kamag-anak at mga katrabaho sa PNP-NCRPO.
Sinabi ni Abdul, kung ang bawat isa ay magtatanim lamang ay walang magugutom na pamilya.
Iniimbitahan ni Abdul ang lahat, lalo na ang mga kapwa pulis, kabataan, magulang at senior citizens, at iba pang sector na magtanim tulad ng kanyang ginagawa.
Sa Linggo, September 15, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Abdul at farm tour sa kanyang magandang taniman ng gulay sa rooftop sa Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Colum-nist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest