^

Probinsiya

3 lalaking ‘wanted’, nalambat sa Quezon Province

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
3 lalaking ‘wanted’, nalambat sa Quezon Province
Samantala, nahaharap naman sa kasong paglabag sa New Anti- Carnapping Act of 2016 si Carlo Japson, nasa rank number 10 City Level Most Wanted Person sa Naga City.
STAR/File

LUCENA CITY, Philippines — Pinaigting ng lokal na pulisya sa lungsod ang kampanya laban sa mga wanted persons nagresulta sa pagkakadakip ng tatlo sa magkahiwalay na lugar ng bayang ito, kamakalawa.

Samantala, nahaharap naman sa kasong paglabag sa New Anti- Carnapping Act of 2016 si Carlo Japson, nasa rank number 10 City Level Most Wanted Person sa Naga City.

Inaresto si Canlas sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Emmanuel Silva, ng RTC, Branch 4, 3rd Judicial Region, Mariveles, Bataan.

Walang inirekomendang piyansa sa kanyang kalayaan.

Nadakip naman sa Barangay Ilayang Talim ang isa sa itinuturing na Most Wanted Person sa Mandaluyong City na si John Fritz Gerard Inog.

Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Ermin J. Ernest Louise R. Miguel, Presiding Judge, ng RTC, Branch 281, National Capital Judicial Region, Mandaluyong City at may inirekomendang piyansa na P240,000 sa kasong paglabag sa RA 9165.

Nahaharap sa kasong paglabag sa New Anti Carnapping Act of 2016 si  Carlo Japson , Rank no. 10 City Level Most Wanted Person sa Naga City.

Nagbibisikleta pa si Japson nang arestuhin sa Barangay Ibabang Iyam dakong alas-4:00 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Helen Cabinian Magampo-Maberit, ng RTC, Branch 4, 4th Judicial Region, Lucena City.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with