^

Bansa

Quiboloy nasa KOJC compound pa rin — DILG

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Quiboloy nasa KOJC compound pa rin — DILG
Members of the Philippine National Police (PNP) are seen outside the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound in Davao on August 29, 2024.
Diana Lhyd Suelto

MANILA, Philippines — Nanindigan si DILG Secretary Benjamin Abalos na ang nagtatagong televangelist Apollo Quiboloy ay nananatiling nasa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.

Sa news forum sa Quezon City, sinabi ni Abalos na may intel report sila na naroon pa sa naturang compound si Quiboloy.

Anya, may nakuhang magandang development ang pulisya sa ngayon na may kinalaman sa paghahanap kay Quiboloy.

Ayon kay Davao Regional Police Director (Police Regional Office 11) Chief P/Brig. Gen. Nicolas Torre III, tuloy ang kanilang operasyon upang hanapin sa KOJC compound si Quiboloy.

Sinabi ni Torre na babaguhin nila ang istratehiya sa paghahanap kay Quiboloy at umaasang mahuhulog din ito sa kamay ng batas.

Inamin naman ni Torre na siya ang nag-utos na isuperbisa ang paghuhukay sa KOJC na nagsimula noong Agosto 29 matapos silang maka-detect ng heartbeat at iba pang senyales ng buhay sa underground tunnel ng Jose Maria College (JMC), isa sa mga istraktura sa loob ng KOJC compound.

Nanindigan naman ang opisyal na lehitimo ang kanilang operasyon sa KOJC compound base na rin sa inisyung warrant of arrest ng korte.

Si Quiboloy at iba pa ay may patung-patong na kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act at qualified human trafficking.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with