^

PSN Opinyon

Pagkaing pang-energy

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

TAYONG mga Pilipino ay mahilig sa kanin. Ngunit alam ba ninyo na sa ibang parte ng mundo ay hindi sila kumakain ng kanin?

Narito ang iba pang carbohydrates na puwedeng magbigay ng lakas sa atin. Ang mga tinatawag na “Go” foods na puwedeng pamalit sa kanin.

1. Mais – Ang mais ay napakataas sa fiber na makapagpapabusog. Ang mais ay ginagawa ring cereals (corn flakes) at popcorn. Ang pagiging dilaw ng mais ay dahil sa sangkap nitong Vitamin A at lutein na mabuti sa mata. May mga B vitamins din ito para sa ating nerves.

2. Patatas – Ang patatas ay mataas sa potassium at iron. Ang potassium ay nakatutulong sa paggalaw ng muscle at pagtibok ng puso. Ang iron ay kailangan ng red blood cell. Tandaan lamang na isama ang balat ng patatas sa pagluto dahil nandito ang fiber, potassium at iron. Puwedeng pangsahog ito sa mechado, menudo o giniling. Ngunit hindi masustansiya ang French fries dahil naiprito ito sa mantika at nilagyan nang maraming asin.

3. Kamote  – Ang kamote ay kulay orange dahil sa taglay nitong carotenoids at Vitamin A. Ang carotenoids ay isang sangkap na maaaring makatulong sa pag-iwas sa kanser sa baga, kanser sa balat at kanser sa prostate. Sa mga naninigarilyo, kumain ng isang tasang kamote araw-araw para mabawasan ang tsansang magkaroon ng lung cancer.

4. Saging – Masustansya ang lahat ng klase ng saging tulad ng saba, lakatan at latundan. Makatutulong ang saging sa may ulcer o nangangasim ang sikmura dahil tinatapalan nito ang ating tiyan. Ang saging ay nagpapasaya at nagpapakalma dahil sa taglay nitong tryptophan na nagpapataas ng serotonin o happy hormones. Puwedeng pakainin ang mga bata ng saging para ma-relax sila sa oras ng eksamen. Ang saging ay mayaman din sa potassium na kailangan ng mga nag-eehersisyo.

5. Yacon – Ang yacon ay hawig sa kamote. May taglay itong pampatamis, ang fructo-oligosaccharides, na ayon sa eksperto ay mabuti sa mga diabetic. Mataas din sa fiber ang yacon kaya nakakabusog ito at puwedeng makapayat.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with