^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Kailan ‘gugulong’ ang mga ulo?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Kailan �gugulong� ang mga ulo?

Naaresto na ng Indonesian police ang napatalsik na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kahapon sa isang hotel sa Jakarta, Indonesia dakong 1:30 a.m. Naaresto si Guo, tatlong linggo makaraang maaresto sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong sa isang mall sa Batam, Indonesia. Ibinalik sina Shiela at Cassandra sa Pilipinas noong Agosto 23 at kasalukuyang nasa custody ng NBI at House of Representatives.

Nakatakas noong pang Hulyo 18 sina Alice Guo at mga kasama at nagpalipat-lipat sa Malaysia, Indonesia at Singapore. Nang tanungin ng Senado si Shiela Guo kung paano sila nakalabas ng bansa, sinabi nitong sumakay sila sa isang speedboat at lumipat sa mas malaking barko bago nakarating sa Malaysia. Mula roon nagpalipat-lipat sila sa iba pang bansa.

Ngayong naaresto na si Alice Guo, maaring magkaroon na ng linaw kung paano sila nakalabas ng bansa­. Tiyak na ipatatawag siya ng Senado. Ang Senado ang nag-isyu ng arrest warrant kay Guo at maaaring hindi na niya matatakasan ang mga senador partikular sina Senators Risa Hontiveros at Sherwin Gatchalian. Maraming kahaharaping kaso si Guo kabilang ang money laundering at ang operasyon ng illegal POGOs.

Umaani naman ng papuri ang Indonesian police­ dahil sa mabilis na pagkakahuli kay Guo at mga ka­sama. Napatunayan din na mas epektibo ang intelligence gatherings ng Indonesian authorities kaysa Pilipinas. Sa loob lamang ng maikling panahon ay nahuli sina Guo. Kung gaano sila kabilis na nakatakas sa Pilipinas ay ganundin din sila kabilis nahuli sa Indonesia.

Sa hina ng intelligence ng Philippine National Police at Bureau of Immigration, natakasan sila. Kakahiya na gumagala na sa ibang bansa sina Guo ay wala pang kaalam-alam ang PNP at BI. Inilihim ng BI sa Ma­lacañang na nakalabas na ng bansa si Guo.

Ang inaabangan ngayon ay ang sinabi noon ni President Ferdinand Marcos Jr. na may “gugulong” na mga ulo sa pagkakatakas ni Guo. Sabi ni Marcos, ang pagtakas ni Guo ay naglalantad sa korapsiyon at nagpapahina sa justice system ng bansa. Ayon pa sa Pre­si­dente, dahil sa nangyayaring ito, nawawalan ng tiwala ang mamamayan sa pamahalaan at sa hustisya.

Nararapat may masampolan sa mga taong nagpa­takas kay Guo. Nakakahiya ang nangyari na nata­kasan ang Pilipinas dahil sa kagagawan ng mga taong hid­hid sa salapi. Ayon sa report malaking pera ang ibinayad ni Guo para makatakas. Dapat malantad ang mga korap at gumulong ang ulo.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with