^

PSN Opinyon

QC, una sa pagtugon sa climate crisis

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Malaking karangalan para sa ating lungsod na maging­ host ng C40 Cities Southeast Asia CAI Regional Academy,­ na nagsimula noong Lunes at tatagal hanggang Biyernes.

Sa nasabing event, nakatataba rin ng puso tayo’y napa­hanay sa isa sa mga kinikilalang lider pagdating sa pag­laban sa climate crisis na si Mayor Yvonne Aki-Sawyer ng Freetown.

Bilang co-chair ng C40 Cities, si Mayor Aki-Sawyerr ang nagsisilbing boses at kinatawan ng Global South Cities sa pagtugon sa climate emergencies at kampeon sa maha­la­­gang papel ng kabataan pagdating sa climate action.

Magkatuwang kami sa pagsasagawa ng isang high-level dialogue ukol sa pagsama sa Inclusive Climate Action­ (ICA) sa city governance and climate actions sa mga bansang kabi­lang sa Global South, na binubuo ng mga papaunlad pa lamang na bansa.

Kasama natin sa C40 Cities CAI Regional Academy ang iba’t ibang lider, policymakers, at mga delegado, mula sa Jakarta, Indonesia; Kuala Lumpur, Malaysia, at sa ating lungsod.

Pag-uusapan din sa event ang best practices ng iba pang siyudad na kasapi sa Climate Action Implementation (CAI) mula sa Africa at Latin America para mapagyaman ang ka­alaman ng mga delegado.

Magsisilbi itong venue para magbahagi ng kanilang mga makabagong ideya kaugnay sa CIA, kabilang na ang mga konkretong halimbawa at inspirasyon sa pagpapatupad nito sa kani-kanilang mga siyudad.

Itatampok naman natin ang ating iba’t ibang pagkilos­ ng lungsod na may kinalaman sa paglaban sa climate change. Kabilang na rito ang pagbawas sa emissions sa pama­ma­gitan ng sustainable food consumption, malinis na enerhiya, ecological transport, at circular economy.

Nakalikha na rin ang ating siyudad ng mahigit 25,000 good, green jobs para sa mga residente bilang tugon sa krisis sa klima at hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan. Kabi­lang sa mga trabahong ito ay nasa sektor ng urban farming, waste management, at renewable energy.

Sa pagtutulungan ng mga kasapi ng C40, mapapalakas­ namin ang mga pagkilos, polisiya, at mga programa na mag­ti­tiyak na walang maiiwan at maitataguyod ang patas na lipunan para sa lahat.

Tiwala rin ako na uusbong ang mga bagong istratehiya at lalakas pa ang aming paninindigan upang labanan ang climate change para sa kaligtasan at kalusugan ng kasalukuyan at darating pang mga henerasyon.

CLIMATE CRISIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with