^

PSN Opinyon

Alice Guo naaresto na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ang kuwestiyon, bakit wala pang nakasampang kaso kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kinasa­sangkutan niyang krimen sa illegal na POGO at human trafficking hanggang makatakas siya at ngayo’y naiulat na naaresto na sa Indonesia?

Sa ngayon, tanging warrant of arrest lang ng Senado sa salang contempt ang pinanghahawakan ng pamahalaan.

Bagamat naibalik na sa Pilipinas ang mga kasamahan niyang nagsitakas, si Guo ay naroon pa rin sa Indonesia habang isinusulat ko ang kolum na ito. Sana, naibalik na rin siya sa Pilipinas sa pagkalathala ng kolum kong ito.

Balita ko, ang susundo mismo kay Guo ay sina DILG Sec. Benhur Abalos at PNP chief Gen. Rommel Marbil.

Harinawang ang magandang balitang ito ay magiging dahilan upang matuldukan na ang isyu at maresolba ang palaisipan sa pag-iral sa bansa ng illegal na POGO.

Sana, si Guo mismo ang maging susi upang makilala pa ang ibang mga dayuhang nananamantala at nagpapanggap na Pilipino para sa buktot nilang layunin.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with