Pagmamatigas ng mga supporter ni Quiboloy
Hindi pa rin natatagpuan ng Philippine National Police (PNP) si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy at apat na iba pa sa kabila na 2,000 kapulisan ang naka-deploy sa 30 hektaryang compound sa Davao. Isang linggo nang nasa KOJC compound ang mga pulis. Inalis na ng mga pulis ang barikada bilang pagsunod sa utos ng Davao City Regional Trial Court. Nilinaw naman ng korte na magpapatuloy ang paghahanap ng mga pulis kay Quiboloy.
Habang determinado ang PNP na makita si Quiboloy na umano’y nasa bunker, patuloy naman ang pagmamatigas ng mga supporters ni Quiboloy. Ayon sa aking source, 60 pulis ang nasugatan habang nasa 70 naman sa KOJC members. Ang pagmamatigas daw ng supporters ni Quiboloy ay iniuugnay sa pahayag ni dating President Rodrigo Duterte noon na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Samantala, patuloy naman ang hearing sa Kamara at Senado kaugnay sa POGO at sa mga nahuling sina Cassandra Li Ong at Shiela Guo. Pero naiirita ang mga mambabatas dahil tumatanggi ang mga nabanggit na sagutin ang katanungan ng mga mambabatas. Naniniwala naman si Sen. Sherwin Gatchalian na hindi nagsasabi ng totoo si Shiela Guo. Nadakip sina Shiela at Cassandra sa Indonesia pero nakatakas si Alice Guo. Itinanggi naman ni Shiela na kapatid si Alice. Sinabi pa ni Shiela na nakalabas sila ng bansa makaraang magpalipat-lipat ng sasakyang dagat. Una raw silang sumakay sa isang speed boat at lumipat ng ilang barko. Nagtungo sila sa Singapore, Malaysia at Indonesia kung saan sila nahuli.
Samantala, noong Miyerkules, maraming nagulantang sa ipinahayag ni police Col. Jovie Espinido na may quota at reward system sa mga pulis na makakapatay ng drug pushers. Sabi ni Espinido, 50-100 ang quota ng mga pulis at mayroon ding reward na P20,000 sa mapapatay na drug pusher.
Sa pagkumpirma ni Espenido sa quota at reward systema, mistulang inilaglag niya ang dating amo na si dating PNP chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Sa drug campaign ng Duterte administration, mahigit 6,000 ang napatay sa police operation sa ilalim ng “Oplan Tokhang’’ kung saan kinakatok ang pinto ng bahay ng suspected drug pusher.
Hinala ko, naghuhugas ng kamay si Espinido sa mga isiniwalat niya sa Quad Commttee ng House of Representatives. Sa isang banda, lumalabas na sinira niya ang image ng PNP. Si Espinido ay trusdted man ni President Digong. Siya ang hepe ng pulisya sa Albuera, Leyte. kung saan napatay ang mayor doon sa loob ng kulungan.
Marami pang kaabang-abang na pangyayari. Abangan!
- Latest