^

PSN Opinyon

Kadiri: uod sa utak atbp. mga parasito

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Kadiri: uod sa utak atbp. mga parasito
Tapeworm
Wikipedia photo

NAHIHIBANG umano si Robert F. Kennedy Jr. sa pagkan­didatong presidente. Minamaliit ng mga saradong Repub­licans at Democrats ang kanyang paglahok sa pulitika. Wala raw kalaban-laban ang bagong partido niyang We the People. Hindi komo anak siya ng dating senador Robert F. Kennedy at pamangkin ng dating president John F. Kennedy ay mananalo na siya, panunuya nila.

Inamin kamakailan ni Kennedy Jr. na may nakuhang uod sa utak niya ang mga doktor. Lalo siya naging kontrobersiyal. Pero para sa mga siyentipiko, ang misteryo ay kung paano napunta roon ang bulate.

Hindi lang mga uod ang parasito sa utak. ‘Di mabilang ang mga organismo na umaapekto sa utak. Saliksik ‘yan ni Biology Prof. Scott Gardner ng University of Nebraska-Lincoln. Kinapanayam siya ng The New York Times.

Namumutiktik din sa utak ang mga organismong unicellular—hayop na isang cell lang—tulad ng Toxoplasma gondii at iba’t bang uri ng Amoeba, ani Gardner.

Ang pagkasira ay depende sa klase ng parasito at kung saang bahagi ng utak ito namugad. May mga lumulupig at sumisira sa tissues. May mga nagpapamaga ng tissues­, kaya nagpapalubha ng sitwasyon. Pag-aaral naman ‘yan ni Dr. Daniel Pastula, hepe ng neuro-infectious diseases at global neurology sa University of Colorado Medicine. Inin­terbyu rin siya ng NYT.

Nanganganib ang tao sa tapeworms. Nakukuha ito sa hilaw o kulang sa luto na pagkain at sa pagkaing konta­mi­nado ng dumi ng hayop o tao. Dalubhasa riyan si Dr. Edith L. Graham, neurologist sa Northwestern Medicine. Mala­mang tapeworm ang uod sa utak ni Kennedy Jr., anang mga doktor sa NYT.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

PARASITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with